HIDILYN DIAZ SWAK SA IWF ATHLETICS COMMISSION

NAHALAL si Tokyo Olympics gold medalist ­Hidilyn Diaz sa 10-member International Weightlifting ­Federation (IWF) Athletes Commission sa ­eleksyong naganap sa World Championships sa Bogotá, Colombia noong Disyembre 5-16.

Ang 31-anyos na si Diaz ay humakot ng tatlong gintong medalya sa women’s 55kg category sa World.

Kabilang din sa mga nahalal sina Maude Charron (Canada), Luisa Peters (Cook Islands), Marie Hanitra Roilya Ranaivosoa (Mauritius), Yasmin Zammit Stevens (Malta), Fares Ibrahim El-bakh (Qatar), David Liti (New Zealand ), Forrester Osei (Ghana), Cyrille Tchachet II (United Kingdom), at Keydomar Giovanni Vallenilla Sanchez (Venezuela).

Maglilingkod sila hanggang sa susunod na ­Electoral Congress pagkatapos ng 2024 Olympic Games sa Paris, France.

WHITE AT AJIDO GOLD
SA 44th SEA AGE GROUP

IBINULSA ni Heather Whie ang unang gintong medalya ng Team Pilipinas, bukod sa nagtala ng bagong Junior National Record, sa 44th SEA Age Group Swimming Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagsumite ng 26.83 segundo sa 14-15 Girls 50m freestyle si Heather para sa gold at hinigitan ang Junior National Record ni Miranda Renner na 26.88 sa 40th SEA Age Group Championships sa Thailand noong Disyembre 11, 2016.

Sumingkit din si Jamesray Ajido ng gold sa 13 & Under Boys 100m backstroke at bagong National Age Group record (1:02.42).

Nag-ambag naman ng tig-isang silver sa 100m ­butterfly sina Joshua Ang, Jasmine Moldeh (16-18) at Ajido (13-U).
PUMADYAK NG GINTO
SA 2022 BP CRETERIUM

SUMUNOD si Maritanya Krog ng Caloocan City sa yapak ng kanyang lolo at mga kapatid nang magwagi sa gintong medalya sa Girls Criterium ng 2022 Batang Pinoy National Championships sa Vigan City.

Nanguna ang 13-anyos na si Krog, kapatid nina Asian Cycling Championships men’s junior silver ­medallist Rex Luis at Philippine Navy rider Mathilda, sa Girls 13-U category.

Inangkin naman ni Emmanuel Arago ng Batangas City ang gold medal sa Boys 13-U, habang si ­Jacqueline Joy De Guzman ng Quezon City ay bumida sa Girls 14-15, at si Chris Andreu Ferrer ng Cebu City sa Boys 14 -15. (ANN ENCARNACION)

43

Related posts

Leave a Comment