HORNETS SINALANTA NG SIXERS

MAY 53 points at 11 rebounds si Joel Embiid sa 131-113 win ng Sixers kontra Charlotte Hornets sa Philadelphia.

Kasabay ng pagsigaw ng home crowd ng “MVP!” si Embiid ang naging first player sa NBA ngayong season na nakapagposte ng dalawang 50-plus points. Una niyang naitala ang ­league-best 59-point output noong Nobyembre 13 kontra Utah.

“The ball just found me,” ani Embiid. “I thought we moved the ball well all night and the ball just found me.”

Ikatlong player si Embiid sa Sixers history na may multiple 50-point games sa parehong season. Ang dalawang iba pa ay sina Allen Iverson (2000-01 at 2004-05) at Wilt Chamberlain (1965-66 at 1967-68).

Ito rin ang 30th game sa career ni Embiid na mayroon siyang 40 points at 10 rebounds. Si Chamberlain ang isa pang player na nakagawa nito.

Nagdagdag naman si James Harden ng 19 points, 16 assists at nine rebounds para tulungan si Embiid.

Tumulong din si Tobias Harris, 17 points at si De’Anthony Melton, 12 points para sa Philadelphia, may shooting na 55.4%.

Nanguna sa Charlotte si Kelly Oubre, Jr., at si Terry Rozier, tig-29 points. Ikalimang sunod na talo ito ng Hornets na dadayo sa Detroit sa Miyerkoles, habang ipag­papatuloy ng Sixers ang seven-game home stand kontra Sacramento sa Martes.

Sa iba pang resulta: panalo ang Orlando Magic sa Toronto Raptors, 111-99; Houston ­Rockets kontra Milwaukee Bucks, 97-92; New York Knicks kontra Sacramento Kings, 112-99; at New Orleans Pelicans kontra Phoenix Suns via OT, 129-124. (VT ROMANO)

37

Related posts

Leave a Comment