IKATLONG SUNOD NA PANALO, IBUBULSA NG FOTON

foton33

(NI JEAN MALANUM)

LARO NGAYON:

(BACOOR STRIKE GYM)

4:15 P.M. – GENERIKA-AYALA VS PETRON

7:00 P.M. – FOTON VS CIGNAL

 

SUSUNDAN ng Foton ang back-to-back win nito sa pagharap sa hamon ng Cignal sa pagpapatuloy ng aksyon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference, ngayon sa Bacoor Strike gym sa Bacoor City.

Alas-7:00 ng gabi ang laro, kung saan target ng Tornadoes ang ikaaapat na panalo para manatiling kabilang sa grupo ng koponan sa itaas ng standings.

Una rito, sa alas-4:15 ng hapon ay magtatapat ang Petron at Generika-Ayala para sa solo-second spot.

Sa pagdodomina ni Fil-Am Kaei Mau, ang F2 Logistics ay nananatiling nasa tuktok ng standings hawak ang anim na sunod na panalo, habang ang Petron at Generika-Ayala ay table sa ikalawa sa barahang 4-1.

Nasa ikatlo ang Foton (3-3), habang ang Cignal at PLDT Home Fibr ay 2-3 at 2-4, ayon sa pagkakasunod.

Kaya naman, inaasahang magiging exciting ang Foton-Cignal match, kung saan pipilitin ng Tornadoes na pahabain sa tatlo ang winning streak nito.

Pero, hindi magkukumpiyansa ang Foton, dahil batid nila ang kakayahan ng Cignal na makapang-upset.

“We’re taking it slowly and surely. We don’t want to rush ourselves or get too excited,” lahad ni head coach Aaron Velez, na muling sasandal kina Jaja Santiago, Elaine Kasilag, Dindin Manabat at Maika Ortiz.

“It’s good that we’re back on track, but it’s still too early to celebrate. What we need is to put in work and the results – be it good or bad – will surely follow.”

Sa kanilang huling laro, ginamit nina Santiago, Kasilag at Ortiz ang kanilang height advantage nang magtala ng 13 blocks.

Kaya laban sa Cignal, inaasahang depensa ang magiging sandata ng Foton.

128

Related posts

Leave a Comment