GAYA nang inaasahan, winalis ng Gin Kings ang individual awards ng Commissioner’s Cup.
Napasakamay ni Scottie Thompson ang Best Player of the Conference, habang nasungkit ni Justin Brownlee ang Best Import.
Ito ang second BPC ni Thompson, ang una ay nakamit niya noong 2021 Governors’ Cup.
Samantala, pangatlong Best Import award na ito ni Brownlee at pangalawa sa Commissioner’s Cup simula noong 2018.
