INOUE–DASMARIÑAS WALANG ATRASAN

0

Ni VT ROMANO

TATANGKAIN ni Filipino challenger Michael “Hot ‘N Spicy’ Dasmariñas na agawin ang korona ni unified bantamweight champion Naoya Inoue, sa kanilang paghaharap ngayong araw sa Virin Hotels sa Las Vegas, Nevada.

Dalawang taon ang hinintay ng kaliweteng Pinoy para makasagupa ang undefeated ‘Japanese Monster.’ Tinalo ni Dasmariñas (30-2, 20KOs) ang kababayang si Kenny Demecillo sa title eliminator noong Marso 2019 para sa karapatang harapin si Inoue.

Katunayan, kahit sumailalim sa lockdown ang bansa sanhi ng COVID-19 pandemic, hindi tumigil sa pag-eensayo si Dasmariñas bilang paghahanda ­anumang oras maisalang kay Inoue.

“Ang tagal kong hinintay (labang ito), nagpasalamat ako sa pagkakataong ibinigay sa akin para makalaban si Naoya Inoue,” lahad ng 28-anyos na si Dasmariñas matapos ang official weigh-in, kung saan tumimbang siya nang 117.4 pounds, habang eksaktong 118-lb naman si Inoue.

Bagamat ‘underdog’ nangako ang 5-foot-7 pambato mula sa Pili, Camarines Sur na ibubuhos niya ang lahat ng magagawa para mabigyan ng magandang laban ang Japanese IBF at WBA champion.

“Ginawa ko ang lahat nang dapat kong gawin sa training at ngayon, handang-handa ako laban kay Inoue,” dagdag ni Dasmariñas, na kasama sa laban ang trainer at dating IBF champion na si Tacy Macalos.

Sa panig naman ni Inoue, nakatutok siya sa pagkolekta pa ng ibang belts upang maging ‘undisputed champion.’

“Basically, (becoming undisputed champion) means I’m the best in that weight class, the bantamweight division,” wika ni Inoue (20-0, 17KOs). “To prove that, that’s why I’m going after all four belts.”

Pero, kailangan niyang dispatsahin si Dasmariñas para matupad ang pangarap niya, pati na rin ang posibleng rematch kay newly-crowned WBC champion Nonito Donaire at Johnriel Casimero, na nakatakdang sumagupa kay Cuban Guillermo Rigondeaux sa Agosto.

Si Russell Mora ang referee sa Inoue-Dasmariñas fight, habang tatayong hurado sina Tim Cheatman, Patricia Morse Jarman at Don Trella.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment