Inspirasyon si Hidilyn Diaz GUSTO KO MANALO NG GOLD – PETECIO

0

Ni VT ROMANO

INSPIRADO mula sa gold ­medal conquest ni weightlifter Hidilyn Diaz noong Lunes ng gabi, susubukan ngayong ­umaga ni Nesthy Petecio na makapagtala ng panalo laban kay Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia.

Si Petecio, featherweight champion ng 2019 World Boxing Championships, ay magtatangka sa bronze medal sa alas-10 ng umagang bakbakan sa quarterfinals ng 54-57-kg boxing competition sa Kokugikan Arena sa Tokyo.

Kung magwawagi si Petecio laban sa bronze medalist ng 2019 Pan American Games, dalawang panalo na lang ang kailangan niya para sa ginto.

“We will look at the videos of her (Castaneda) fights here,” sabi ng Australian coach ni Petecio na si Don Abnett. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.”

Noong Lunes ng umaga, ­dinispatsa ni Petecio ang malaking balakid sa kanyang kampanya sa Tokyo Games na si Chinese-Taipei’s Lin Yu-Ting, na siyang top seed at world’s no. 1, sa pamamagitan ng 3-2 split decision.

Una rito, tinalo muna ni Petecio si Marcelat Sakobi Matshu ng Congo, 5-0.

“Gusto ko manalo ng gold medal para sa bansa, pero alam kong kailangan kong magtrabaho nang husto para makamit iyon,” lahad ni Petecio.
Samantala, sasalang naman

si Eumir Marcial laban kay Younes Nemouchi ng Algeria sa 69-76kgs category sa alas-10:46 ng umaga (Philippine time) sa Huwebes.

Habang si Irish Magno, kagagaling sa 5-0 win kay Kenyan Christine Ongare sa 48-51-kg, sasabak kay Jutamas Jitpong ng Thailand sa alas-12:24.

Sa Sabado naman ang muling pag-akyat sa ring ni Carlo Paalam kontra Algeria’s Mohamed Flissi sa 10:48 am (Philippine time).

Tinalo ni Paalam noong Lunes si Ireland’s Brendan Irvine, 4-1.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment