JA-LESS GRIZZ WAGI SA SPURS

Ni VT ROMANO

NANGUNA si Tyus Jones, humalili kay Ja Morant at may 24 points, at si Jaren Jackson, Jr., 16 points sa 121-113 win ng Grizzlies kontra bisitang San Antonio Spurs sa Memphis.

Parehong may 15 puntos sina Desmond Bane at Dillon Brooks para sa Memphis, na sa ­ikalawang sunod ay wala si ­Morant sanhi ng right thigh soreness.

Top scorer sa Spurs si Tre Jones, 18 points, habang si Josh Richardson ay may 16 points.

Tumapos na may tig-13 puntos sina Romeo Langford at Jakob Poeltl para sa Spurs’ second straight loss at ikalima sa huling six games.

Samantala, nilampaso ng Sacramento Kings ang Orlando Magic, 136-111; New Orleans Pelicans 132-112 win kontra Washington Wizards; at nanaig ang Denver Nuggets sa Los ­Angeles Lakers, 122-109.

27

Related posts

Leave a Comment