JALALON, PBA PLAYER OF THE WEEK

NANATILING perpekto ang Magnolia sa ongoing PBA Commissioner’s Cup.

Huling biniktima ng Hotshots ang NLEX at Northport upang mapanatili ang solo liderato sa league’s second conference sa kartadang 5-0.

At ang magandang simula ng Magnolia sa ­Commissioner’s Cup ay dahil sa magandang nilalaro ni Serbian reinforcement Nicholas Rakocevic, at ni Jio Jalalon.

Si Jalalon ang nagsisilbing ‘sparkplug’ ng bench, dahilan kaya’t siya ang napiling PBA Press Corps Player of the Week.

Ang Hotshots guard ay nag-average ng 14.0 points on 63-percent shooting, 7.5 assists, at 3.5 rebounds sa games kontra Road Warriors at Batang Pier.

“We’ve only had two good starts this conference which is the NLEX game and this ­(Northport)…But that’s ­something that coach Chito (Victolero) has been talking about. We have to start strong in the games,” pahayag sa SPIN ni Magnolia assistant coach Jason Webb. (VT ROMANO)

26

Related posts

Leave a Comment