JOKIC HIGANTENG SAKIT NG ULO NI GUIAO

denver1

(NI JOSEPH BONIFACIO)

TIYAK na madaragdagan ang puting buhok ni coach Yeng Guaio sa papalapit na kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup sa China.

Dahil kinumpirma ni Denver Nuggets star center Nikola Jokic na lalaro siya para sa mother country niyang Serbia sa nasabing prestihiyosong quadrennial world basketball championship sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

“I am very pleased with everything I did in the NBA this season, I had a great year in which I performed at the All-Star Game and was selected in the NBA All-Star Five. For me, the cherry on top of this whole season would be a medal with the national team,” lahad ng 7-footer na si Jokic sa Serbian State News Agency.

Kagagaling lang ni Jokic sa malakas na kampanya sa 2018-2019 NBA Season kung saan napasali siya sa All-Star sa unang pagkakataon at nadala ang Nuggets sa second seed ng Western Conference.

Ang Serbia ay rated No. 4 base sa pinakabagong FIBA World Rankings, ay makakasagupa ng Pilipinas (ranked 31),  Italy (No. 13) at Angola (39) sa Group D.

Kaya’t inaasahang magsisilbing higanteng sakit ng ulo ni coach Guiao at ng Gilas Pilipinas ang presensya ni Jokic.

Wala pang pinal na komposisyong nabubuo si coach Guiao para sa magiging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Bagamat plantsado na ang training schedule ng Pinoy dribblers, na kakatawanin ng mga pinakamagagaling na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA).

Hinihintay din kung magagawan ng paraan para makapaglaro para sa koponan si NBA star Jordan Clarkson ng Cavaliers.

Si Jokic ay kasama sa All-NBA First Team bunsod ng regular season average na 20.1 puntos, 10.8 rebounds at 7.3 assists.

136

Related posts

Leave a Comment