KAHIT OUT NA, CARRASCO ‘DI PA LUSOT

(NI DENNIS IÑIGO)

NAGTAPOS na ang kontrata ni executive director  Tom Carrasco sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Ngunit hindi ang mga usapin kaugnay sa mga samu’t saring isyu patungkol sa mga kontrobersya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na patuloy na naghihintay ng kasagutan.

Tuluyang nagsara ang pintuan ng Phisgoc kay Carrasco, isa sa mga pangunahing personalidad ng organizing committee ng SEA Games, noong Disyembre 31, 2019.

Sa kabila ng tagumpay ng Filipino athletes at muling pagiging overall champion ng bansa sa SEAG, patuloy na kinukwestyon ng marami ang mga naging kakulangan ng organizing committe sa preparasyon, incompetence ng ilang mga personnel nito, at pinakamatindi, ang labis na gastos umano sa biennial meet.

Dahil dito, bumuo ang Office of the Ombudsman ng seven-man fact-finding body na siyang hihimay sa mga naturang alegasyon, habang ang Senado sa pangunguna ni sports committee chairman Christopher Lawrence “Bong” Go  ay magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon tungkol dito.

Ayon kay Go, marapat lang na malaman ng sambayanang Pilipino kung paano ginastos ang P6.5 bilyong pondo para sa SEAG.

Bagama’t terminado na ang kontrata ni Carrasco sa Phisgoc, handa pa rin umano itong humarap sa anumang imbestigasyon kung ipatatawag siya, ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Saksi Ngayon.

177

Related posts

Leave a Comment