KAI SOTTO PANALO

WAGI bilang FIBA Young Player of the Year 2022 ang 7-foot-3 Pilipino hoopster na si Kai Sotto.

Kabilang sa mga tinalo ng Pinoy big sina Kushal Singh ng India, Youssef Khayat (Lebanon), Derrick Michael Xzavierro (Indonesia), Yang Hansen (China), Lee JooYeoung (Korea), Yuto Kawashima (Japan), at Mohammad Amini (Iran).

Bagama’t base sa fan-voting ang YPY at hindi opisyal na parangal mula sa FIBA, patunay ito na maraming tagahanga at supporters ang Gilas Pilipinas young center.

Nilikha ang YPY ng fans mula sa iba’t ibang bansa sa Asya upang ipakita ang kanilang suporta para sa kanilang paboritong FIBA players.

Si Sotto ay kasalukuyang naglalaro sa Adelaide 36ers ng ABL o Australia Basketball League. (ANN ENCARNACION)

35

Related posts

Leave a Comment