NAPILI si 7-foot-2 wunderkind Kai Sotto ng NBA at FIBA na mapasama sa Basketball Without Borders (BWB) Global Camp sa Chicago, USA.
Kabuuang 64 boys and girls mula sa 34 countries at regions ang kabilang sa BWB Global Camp, na magiging bahagi ng 2020 NBA All-Star Weekend.
Ilan sa mga kilalang NBA stars na naging bahagi ng BWB ay sina Toronto Raptors’ Pascal Siakam, Phoenix Suns’ Deandre Ayton, Washington Wizards’ Rui Hachimura, at Denver Nuggets’ Jamal Murray.
Si Siakam, Most Improved Player noong nakarang taon, ang magko-coach sa campers mula Africa, Americas, Asia, at Europe kasama sina Wizards’ Davis Bertans, Boston Celtics’ Tacko Fall, at Chicago Bulls’ Lauri Markkanen.
Makakasama rin sa nasabing grupo ang WNBA players na sina Ashley Battle, Michele Van Gorp, at Ebony Hoffman, at iba pang “select players” na magpapartisipa sa All-Star festivities.
Gaganapin sa Quest Multisport mula Pebrero 14 hanggang 16, ang training camp ay kapapalooban ng shooting and skills competitions, 5-on-5 games, at life skills seminars tungkol sa health, leadership, and communication.
Sa final day, maglalaro ng single-elimination tournament ang campers na magtatapos sa boys and girls championship games.
Ang BWB ang global basketball development and community outreach program ng NBA at FIBA. Sa ngayon ay may tinatayang 3,600 participants na ito mula sa 133 countries and territories simula noong 2001.
Mayroon na rin itong 69 dating campers na na-draft sa NBA o naging free agents sa iba’t ibang international basketball leagues.
172