KD LUMEBEL KAY MJ

Ni VT ROMANO

NAGLISTA si Kevin Durant ng triple-double 29 points, 12 ­rebounds at 12 assists, at ­naging unang player pagkatapos ni Michael Jordan na umiskor ng at least 25 points sa unang 12 games ng team at nagawang kaldagin ng Brooklyn Nets ang New York Knicks, 112-85, sa ilalim ni Coach Jacque Vaughn nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Tinalo ni Durant ang Knicks sa 13th straight time at naka-triple-double siya sa huling dalawang panalong iyon. Ang kanyang rebounds at assists ay parehong season high at ang kanyang scoring ay mas humaba pa mula nang magawa ito ni Jordan sa pagbubukas ng 1988099 season, kung saan naglista ang NBA legend ng 16 consecutive games na may 25 points.

Tinalo ng Nets ang Knicks sa ikawalong sunod na beses. Tumabla ito sa kanilang second-longest winning streak vs Knicks, tatlo na lang ang kulang para sa 11-game run mula 1984-86.

Nagdagdag si Seth Curry ng season-high 23 points, habang si Edmond Sumner, ikaapat sunod niyang start bilang kapalit ng suspendidong si Kyrie Irving, ay may season-best 18 puntos.

Nagpasya ang Nets mag-stick kay Vaughn nitong Miyerkoles, makaraang magpakita ng progreso sapul nang palitan si Steve Nash, kasunod ng 2-5 start. Naging 3-2 at nagawa pang limitahan sa below 100 points ang huling apat na nakalaban, unang pagkakataong nagawa ng Brooklyn buhat nang itala ang eight-game stretch noong 2014-15 season.

Nanguna si Julius Randle sa Knicks, 24 points at 11 rebounds.

Agad lumamang ang Brooklyn, 24-8 lead mula sa 3-pointer ni Sumner at isinara ang first quarter sa 38-22.

Ang 3-pointer ni Curry ang nagbigay sa Nets ng first 20-point lead, 50-30 at isa pang tres mula kay Joe Harris ang naglagay sa 69-44 lead sa halftime.

NO GIANNIS,
NO PROBLEM

WALA ang dalawang top scorer ng team, pinilit ni Jevon Carter itakas ang Milwaukee Bucks sa dalawang overtime tungo sa 136-132 win kontra Thunder sa Oklahoma City.

Nagtala si Carter ng career highs 36 points at 12 assists.

Hindi sumalang si Giannis Antetokounmpo sanhi ng sore left knee, habang sprained right ankle naman kay Jru Holiday.

Pinunan ni Carter ang scoring bucket ng Bucks sa pamamagitan ng 15-of-27 field goals, kasama ang 5-of-10 3-pointers.

Tumulong kay Carter si Brook Lopez, may 24 points, 13 rebounds at five blocks para sa Bucks, bumalikwas mula sa ­unang talo sa season kasunod ng first nine game wins.

Nabalewala naman ang 39 puntos ni Shai Gilgeous-­Alexander, habang si Tre Mann ay nagdagdag ng 21 at si Josh Giddey, 18 points, 15 rebounds at six assists para sa Thunder, nalasap ang ikaapat sunod na talo.

Angat ang Thunder ng anim bago matapos ang third bago humirit si George Hill ng 3-pointer sa buzzer at bawasan ang lamang ng Oklahoma city, 87-84.

LAKERS DOBLE-TALO
SA CLIPPERS

TILA lalong makararanas ng bad season ang Los Angeles Lakers.

Ito’y makaraang masilayan ang paika-ikang si LeBron James palabas ng court sa fourth quarter ng laro kontra Los Angeles Clippers, kung saan sadsad na naman ang yellow and purple team, 114-101, sa Crypto.com Arena.

Hindi na nakabalik sa laro si James kasunod ng pahayag ng Lakers na may left leg soreness ang kanilang star player.

Hindi rin nakalaro si James nang matalo ang team sa Utah Jazz noong Lunes, sanhi rin ng left foot soreness.

Kumawala sa Lakers ang Clippers sa third quarter, kung saan na-outscore ang mga alipores ni coach Darvin Ham, 33-23, matapos ang two-point deficit sa halftime.

Tumapos si James na may 30 points mula sa 12-of-22 ­shooting (4-of-9 from deep), may eight ­rebounds, five assists at two steals.

Sa panig ng Clippers, absent pa rin ang superstar nitong si Kawhi Leonard at wala pang time table kung kailan makababalik sa court. Namuno sa team si Paul George, 29 points sa 10-of-17 shooting.

LUKA ‘DI UMUBRA
SA MAGIC

PINIGILAN ng Orlando Magic si Luka Doncic umiskor ng higit 30 sa unang pagkakataon ngayong season, nang itala ang 94-87 win laban sa Dallas Mavericks sa Florida.

Ang NBA’s leading scorer na si Doncic ay nagsumite ng 24 points, matapos umiskor ng 30 o higit pa sa unang siyam na laro ng Mavericks. Nagtala siya ng 9-for-29 overall shooting at 2-for-11 sa 3-point range.

Nagtala si Spencer Dinwiddle ng 29 points para sa Mavericks, na-outrebound din ng Magic, 49-29.

Hindi nakalaro sa Magic si rookie Paolo Banchero matapos ma-sprain ang bukong-bukong noong Lunes.

May 13 points at 12 rebounds naman si Wendell Carter, Jr., para sa Orlando, habang 12 points at seven rebounds si Jalen Suggs.

Napaaga nang 90 minuto ang laro sanhi ng paparating na ­Hurraicane Nicole, umabante ang Dallas, 34-24 mula sa layup ni Dinwiddie sa second quarter.

Iyon ang natatanging ­double-digit lead ng team matapos ­kumamada ang Magic ng walong sunod na puntos sa 3 1/2 -minute stretch, kung saan nagmintis pa si Doncic ng dalawang free throw.

Sa iba pang mga laro, panalo ang Utah Jazz sa Atlanta Hawks, 125-119; wagi ang Boston ­Celtics ng 128-112 kontra Detroit Pistons; gayundin ang Phoenix Suns kontra Minnesota Timberwolves, 129-117; naitakas naman ng Memphis Grizzlies ang 124-122 OT win kontra San Antonio Spurs; pinasabog ng Toronto Raptors ang Houston Rockets, 116-109; tagumpay din ang New Orleans Pelicans 115-111 laban sa Chicago Bulls; at Sacramento Kings kontra Cleveland Cavaliers, 127-120.

38

Related posts

Leave a Comment