KD, OUT SA NETS NG 2 WEEKS

Ni VT ROMANO

DALAWANG linggong mawawala si Brooklyn Nets star Kevin Durant kasunod ng injury sa kanang tuhod, anunsyo ng team nitong Martes.

Nag-a-average ng under 30 points kada laro ngayong season, umiikang nilisan ni Durant ang Nets’ game kontra Miami Heat sa third period matapos mabagsakan ni Jimmy Butler ang kanyang tuhod.

Ayon sa tagapagsalita ng Nets, nakita sa scan ang ligament sprain sa tuhod.

“Brooklyn Nets forward Kevin Durant has been diagnosed with an isolated MCL sprain of the right knee,” ayon sa team at ­ire-reevaluate ang player sa ­susunod na dalawang linggo.

Si Durant ang dahilan para maupo ang team sa likuran ng nangungunang Boston sa ­Eastern Conference tangan ang 27-13 record.

Ang 34-year-old 12-time NBA All-star ay nakapaglista ng 29.7 points per game sa 39 games ngayong season, kasama ang 6.7 rebounds at 5.3 assist.

22

Related posts

Leave a Comment