KD TINALIKURAN NG HEAT

KAHIT interesado ang Heat sa trade package para kay ­Brooklyn Nets star Kevin Durant, minabuti ng koponan mag-concentrate sa kasalu- ­kuyang team/roster, ayon sa Miami Herald.

Ilang linggo na ring isyu ang paghingi ng 33-anyos na si Durant ng trade mula sa Nets at kung may koponan siyang nais puntahan ito ang Miami o ‘di kaya’y Phoenix.

Nais ng Nets ng star players kapalit ni Durant.

Kung mula sa Heat, interesado ang Brooklyn kay Bam Adebayo. Ngunit ayon sa Miami Herald, hindi isasama ng Heat sa package ang star center.

Isa pa, si Adebayo ay hindi eligible i-trade sa Nets bunga ng NBA salary cap rules kung saan ang isang team ay hindi maaaring magpapirma ng dalawang manlalaro na may rookie extension.

Maaaring makuha ng Brooklyn si Adebayo kung iti-trade si Ben Simmons sa Heat o ibang koponan.

Pero balitang ayaw mawala ng Nets si Simmons, kahit hindi pa siya opisyal na nakapaglaro mula nang matrade noong Peb­rero ng Philadelphia 76ers. (VT ROMANO)

81

Related posts

Leave a Comment