KINGS DINAIG NG WARRIORS

Ni VT ROMANO

BINIGYAN ng magandang pagsalubong ng Golden State Warriors ang kanilang dating assistant coach at ngayo’y mentor ng Sac­ramento Kings na si Mike Brown sa pagbabalik nito sa Chase Center sa pamamagitan ng pag-present sa kanya ng championship ring sa nakaraang season.

Ngunit sa pagtatapos ng game sa pagitan ng dalawang teams, kabiguan ang pinabaon ng Warriors sa 130-125 panalo laban sa Kings.

Unang uminit para sa GS si Andrew Wiggins nang pangunahan ang 10-0 pasabog. Hindi naman natinag ang visitor at nakadikit sa pagtatapos ng first quarter sa iskor na 39-36.

Sa sumunod na yugto ay nag-takeover naman sina Jordan Poole at James Wiseman, ngunit sinabayan pa rin sila ng kalaban.

Hanggang bumalik sa floor si last season’s Finals MVP Steph Curry sa nalalabing walong minuto, at sinilaban ang Kings sa kanyang 21 points on 6-for-8 shooting (5-for-6 from three). Tumapos siyang may 33 points, 5 rebounds, at 2 assists on 11-for-22 shooting (7-for-12 from three) sa loob ng 31 minuto.

Kabuuang 50 puntos ang inis­kor ng Warriors sa second quarter para sa 89-71 abante sa first half. Subalit unti-unting nakalapit ang Kings at 5:13 minuto ang natitira sa regulation ay naibaba sa 12 ang kalamangan.

Kahit muling ipinasok ang starters na sina Curry, Draymond Green, at Kevon Looney, nahirapang makaiskor ang GS kaya nakadikit ang Sacramento, 126-122, hanggang basagin ni Poole ang scoring drought sa pares ng free throws. Nagtala si Poole ng total 24 points off the bench.

Hindi halos naramdaman si Klay Thompson na may 8 points lang sa loob ng 27 minuto, habang si Wiggins ay nag-ambag ng 22 points, 5 rebounds, 2 steals, at 2 blocks on 9-for-18 shooting from the field, at si Wiseman ay may 14 points on six field-goal attempts at 6 boards.

Nanguna naman sa Kings ang duo nina De’Aaron Fox na may 26 points, 10 assists at 5 rebounds, at Domantas Sabonis, 19 points, 14 boards at 4 assists.

PELICANS
NATAKASAN NG JAZZ

NAITAKAS ng Utah Jazz ang 122-121 win kontra host New Orleans Pelicans, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa New Orleans.

Tinapos ni Lauri Markkanen ang laro sa kanyang 31-point performance kasama ang clutch free throws sa overtime.

Bida rin sa panalo si Kelly Olynyk (20 points) na siyang umatake sa go-ahead, driving scoop sa huling tatlong segundo ng extra period.

Wala pang talo sa tatlong laro ang Utah sa ilalim ng bagong coach na si Will Hardy.

Nagising ang Utah nang ­maubos ang kanilang 17-point lead sa fourth quarter at nalamangan pa, 110-107 nang humirit si CJ McCollum ng 3-pointer sa final minute ng regulation.
Naitabla ito ni Jordan Clarkson (18 points) nang bumato ng tres at dalhin sa overtime ang laro.

Sa ekstrang limang minuto, naging pabor sa Utah ang pagkawala sa laro nina Brandon ­Ingram at Zion Williamson.

Nilisan ni Ingram ang Pelicans sa second quarter bunga ng concussion symptoms, matapos makaumpugan ang kakamping si Naji Marshall. Habang si Williamson, umiskor ng 25 sa kanya ­sanang first regular-season game sa New Orleans, ay tumama sa sahig ang likod nang bumagsak matapos ma-block ni Clarkson sa kanyang dunk attempt sa fourth.
Hindi umalis sa bench si Williamson, pero hindi na rin sumalang muli.

Angat ang Utah, 102-85 mula sa layup ni Clarkson sa fourth, at tumawag ng timeout ang Pelicans.

Pagkatapos nito, kumamada ang New Orleans ng 25-5 run sa pangunguna nina McCollum at Trey Murphy sa pag-iskor ng siyam at dalawang dunk mula kay Larry Nance Jr.

Nagtapos si McCollum na may 28 points, anim sa OT, ngunit ­sumablay sa kanyang 27-foot ­attempt sa pagtatapos ng overtime.

Nag-ambag si Murphy ng 16 points para sa New Orleans, si Ingram naman 10 points sa 11 ­minutes bago nilisan ang laro. May 10 points naman si Nance Jr.

Umabante ang Jazz hanggang 11 points sa second quarter mula sa free throws ni Jarred Vanderbilt tungo sa 63-52 bago mag-halftime, nagsara sa 10-4 run, sinundan pa ng kanyang tres at finger roll.

Umabot ng 10 puntos ang halftime lead ng Utah mula sa free throw ni Harb Jones.

 

WIZARDS NAISAHAN
NG CAVS

NAGPAKITANG-GILAS si Donovan Mitchell sa pagiskor ng 37 points sa kanyang home debut, at bumawi sa ilang pagkakamali sa huling minuto ng regulation sa pamamagitan ng dalawang ‘big plays’ sa overtime, para tuluyang akayin ang Cleveland Cavaliers sa 117-107 win kontra Washington Wizards, sa Ohio.

Isang three-point play at steal ang ginawa ni Mitchell sa final 1:43 ng OT, upang bigyang-kasiyahan ang sellout crowd na sumaksi sa three-time All-Star sa unang pagkakataon sapul nang mai-trade mula sa Utah noong summer.

Umiskor naman si Bradley Beal ng 27 points at may 18 si Kristaps Porzingis para sa Wizards, pinilit dumikit hanggang fourth at naipuwersa ang OT nang mag-relaks si Mitchell.

Naglista si Cedi Osman ng three-point play sa extra session at tumapos na may 16 puntos para sa Cleveland, sinayang ang seven-point lead sa huling 47 seconds ng regulation period.
May ambag naman si Jarrett Allen na 15 points at 14 rebounds.

Mula sa 103-96 count pabor sa Cavs, nang magmintis si Mitchell sa short runner sa lane at mag-commit ng dalawang turnover.

Bumawi si Mitchell nang dumeretso sa basket para sa layup at makakuha ng foul. Naipasok ang tatlong basket tungo sa 108-106 count at sa sumunod na Washington possession, naagaw niya ang bola at naipasok naman ni Osman.

LAKERS BIGO PA
RIN SA BLAZERS

NAGING game hero si Jerami Grant, kalilipat lang sa Portland, nang takasan si LeBron James at si Anthony Davis sa huling :03 sa orasan tungo sa dikitang 106-104 win ng Trail Blazers laban sa bokya pa ring Los Angeles Lakers.

Ikatlong sunod na panalo ito ng Portland, gumamit ng 11-2 run sa huling minute ng laro, kung saan nagtapos si Damian Lillard na may 41 points. Siya rin ang nagpalamang sa Trail Blazers mula sa kanyang 3-point shot sa natitirang :12.4.

Nagtala naman si LeBron James ng 31 points, eight rebounds at eight assists, pero sumablay sa kanyang fadeaway sabay sa tunog ng buzzer.

Nakadidismayang pagkatalo ito sa Lakers, na umabante pa ng pito, 102-95, 1:56 sa laro, ngunit nagkasunud-sunod ang mintis niya, maging sina Davis at Westbrook sa last 27 seconds.
Sinayang din ng Lakers ang 17 ng kanilang unang 18 3-pointers (6-of-33).

Panalo ang Charlotte Hornets kontra Atlanta Hawks, 126-109 at ang Minnesota Timberwolves laban sa Oklahoma City Thunder, 116-106.

25

Related posts

Leave a Comment