KOBE BRYANT CASE UMUSAD

NAGSIMULA na nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) ang kasong isinampa ng biyuda ni Kobe Bryant.

Ito ay may kinalaman sa ­’graphic photographs’ na kinuha ng mga naunang rumesponde sa lugar na pinangyarihan ng helicopter crash, kung saan nasawi ang NBA legend, 13-anyos nitong anak at pitong iba pang sakay ng chopper sa Los Angeles, California noong Enero 2020.

Saad ni Vanessa Bryant na asawa ni Kobe, dumanas siya ng ’emotional distress’ dahil sa ginawa ng mga personnel mula sa Los Angeles Sheriff’s Department at firefighters na pagkuha ng larawan sa pinangyarihan ng insidente, at ibinahagi sa kanilang mga kaibigan, pati na ang mga naunang rumesponde.

“At least 11 (sheriff’s) personnel and a dozen firefighters shared the photos within 24 hours of the crash,” lahad ng abogado ni Bryant sa isinumiteng dokumento sa korte.

“In the following weeks, one (sheriff’s) deputy flaunted photos of remains at a bar, another texted photos to a group of video game buddies, and (county fire) personnel displayed photos at an awards gala,” dagdag nito.

Ayon naman sa mga abogado ng Los Angeles County, hindi nila itinanggi ang pagkuha ng mga larawan, pero iginiit na hindi iyon naisapubliko at burado na rin.

Sinabi ni Mira Hashmall, kuma­katawan sa county sa civil litigation, nakapokus ang kaso sa isyu ng ‘public dissemination.’

“From the time of the crash to now, the county has worked tirelessly to prevent its crash site photos from getting into the public domain.”

Iginiit niya: “Over two and a half years later, no county ­photos have appeared in the media, none can be found online, and the plaintiffs admit they’ve never seen them.”

Magkasama ang kasong isinampa ni (Vanessa) Bryant at ni Chris Chester, na ang asawa at 13-anyos na anak ay kasamang namatay sa crash.

Sampung katao (anim na babae at apat na lalaki) ang napiling jury, ayon sa CNN.

Noong nakaraang taon, ang kamag-anak ng ibang biktima ay binayaran ng $2.5 million in compensation hinggil sa ‘photo-taking’ issue.

Sinasabi sa imbestigasyon, tila nataranta ang piloto ng Sikorsky S-76 chopper dahil sa makapal na fog, dahilan para bumangga ito sa bundok.

Si (Kobe) Bryant ay kinikilalang isa sa ‘greatest basketball player’ sa mundo, isang legend sa NBA sa kanyang dalawang dekada bilang mukha ng Los Angeles Lakers. Naging five-time NBA champion sa career na nagsimula noong 1996, deretso mula sa high school at ­nagretiro noong 2016.

Naging two-time Olympic gold medalist din siya at tinulungan ang US team kasama ang ibang NBA stars noong 2008 Beijing at 2012 London Games.

KYRIE KINONTRA SI DURANT

WALANG ‘hate’ na nararamdaman si Kyrie Irving kay Brooklyn Nets head coach Steve Nash at team manager Sean Marks.

Ito ang ipinaabot ng agent ng Nets star sa panayam ng NBC Sports Boston.

Nitong Martes, isang source umano ang nagsabi kay New York Post’s Josh Kosman na kinamumuhian ni Irving sina Nash at Marks.

Subalit pinasinungalingan ni Shetallia Riley Irving, agent at stepmother ni Kyrie, ang ulat ni Kosman.

“I am not sure where this ­narrative is coming from but Kyrie does not hate Steve nor Sean,” lahad ni Shetallia Riley Irving sa NY Post. “That’s not a part of his being nor how he represents himself in the world. He’s about peace, love and acceptance.”

Nitong weekend, nagbigay ng ‘ultimatum’ si Kevin Durant kay team owner Joe Tsai at pinapili ito na hanapan siya ng trade o sipain sina Nash at Marks.

Sinuportahan naman ni Tsai sina Nash at Marks.

Magkaiba ang sitwasyon nina Durant at Irving. Ang huli ay ­magiging free agent matapos ang darating na season at hinahanapan ng Brooklyn ng trade, at isa sa ­posibleng bagsakan ay Los Angeles Lakers.

Habang si Durant ay may ­nalalabing apat na taon pa sa Nets at walang ‘opt outs’ kaya hindi nagmamadali ang koponan na hanapan siya ng trade. (VT ROMANO)

78

Related posts

Leave a Comment