Laban ni Hidilyn, tuloy hanggang Paris Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA

WALA NA SI LYDIA “DIAY” DE VEGA! ­IPINA­AABOT NG SAKSI NGAYON SPORTS AT NG SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ANG AMING TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NG LEGENDARY TRACK AND FIELD QUEEN NOONG GABI NG MIYERKOLES, MATAPOS ANG APAT NA TAONG ­PAKIKIPAGLABAN SA BREAST CANCER.

***

Tingnan nga naman ninyo kung anong ­sakripisyo ang pinagdadaanan ng ating mga atleta mabigyan lamang ang bansa at ang mga kapwa Pilipino ng karangalan sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Tulad na lang ni weightlifter Hidilyn Diaz, dumaan sa napakaraming pagsubok sa loob ng 12 taon para mahandugan ang bansa ng kauna-unahang gintong medalya mula sa XXXII Olympics na idinaos sa Tokyo noong nakaraang taon.

Sa unang dalawang Olimpiyada — noong 2008 bilang wild card entry at noong 2012 editions– um­uwing luhaan ang Zamboangueña weightlifter. Nabigo rin siyang katawanin ang Pilipinas noong 2014 Asian Games, dahilan upang irekomenda ng ilang nagmamarunong na opisyal sa sports na tanggalin na siya bilang miyembro ng national training pool.

Ngunit nilabanan ni Hidilyn ang mga kontrabida sa kanyang karera sa tulong ng kanyang ­kauna-unahang coach na si Elbert Atilano at ­ilang supporters kabilang ang sports media. Hindi ­nagtagal, noong 2018 Asian Games ay nakapag-uwi si Diaz ng gintong medalya. Kabilang siya sa apat na all-woman gold medalists na bumalik sa bansa.

Nauna rito, noong 2016 Rio de Janeiro Olympics ay nakasungkit ang sarhento ng Philippine Air Force ng silver medal at naging kaisa-isang Pinay athlete na nakapag-uwi ng ganitong medalya mula sa quadrennial meet. Nang sumunod na edisyon noong 2021 sa Tokyo, nakamit niya sa wakas ang pinapangarap ng bansa na Olympics gold medal. At makaraan ang eksaktong isang taon, ikinasal siya sa Guamanian at personal coach niyang si Julius Naranjo.

Nitong nakaraang linggo lamang, ipinahayag ni Hidilyn ang plano niya at ng kanyang mister na ang 2024 Paris na natapat sa ika-100 anibersaryo ng pagsali ng Pilipinas sa Olympics, ang ­magiging huli niyang kompetisyon bago siya tuluyang ­magretiro.

“Today (Sunday), we are officially two years to go before I step onto the platform at the 2024 Paris Olympics. We have set aside our honeymoon, we only have 730 days left. Even if its ­difficult, even though I don’t need to prove anything, I still want to do whatever I can for weightlifting and the ­Philippines,” sabi ni Hidilyn. “I am manifesting this because this is what I want and weightlifting is what makes me happy.”

Dagdag niya: “Please accompany me in my decision to go for my last lift. My team will be with me throughout the whole process, but I will need the support and prayers from all of you. I am determined to do more for our country. I am claiming this, for the love of God and our country.”

69

Related posts

Leave a Comment