LAKERS NILIGTAS NG ROOKIE

ISINALBA ng isang rookie player ang Los Angeles Lakers laban sa ­Mavericks, 107-104, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa Dallas.

Papaupos na ang oras, ang iskor 104-all, nag-drive si Russell Westbrook papunta sa basket pero todo depensa ang Mavs, ­ibinato ang bola sa libreng si Austin Reaves, na mula sa 3-point range ay ihinagis ito sa net sa nalalabing 0.9 seconds para ­selyuhan ang overtime win ng bisitang Lakers.

Tuwang-tuwang pinag­kaguluhan ng veteran ­Lakers ang undrafted rookie player, tumapos na may career-high 15 poinst at seven rebounds mula sa 5-of-6 shooting sa 3-point range.

Nagtala naman si ­LeBron James ng 24 points, nag­dagdag si Westbrook na 23 points kasama ang 10 rebounds at nine assists, at si Anthony Davis ay may 20 points at 12 rebounds.

Umiskor si Jalen Brunson ng 25 points at naiposte naman ni Kristaps ­Porzingis ang eight double-double niya sa season, 23 points at 12 rebounds para sa Mavericks, ikatlong larong absent si All-Star guard Luka Doncic.

Ang 3-pointer ni Westbrook ay naglagay sa ­Lakers sa 104-101 lead, 23.5 seconds sa overtime period. Naitabla ni Maxi Kleber ang iskor sa huling 15.2 seconds.

Sa sumunod na play, inikot ng Lakers ang bola hanggang mapunta kay Westbrook patungo kay Reaves.

Si James ay 4 of 9 sa 3-pointers, kasama ang 35-foot swish malapit sa midcourt logo sa third period.

Naderetso ng Lakers sa tatlo ang winning streak sa unang pagkakataon ngayong season.

Tatlong Lakers ang wala sa laro dahil nasa NBA’s COVID-19 protocols: ­center Dwight Howard, forward ­Talen Horton-Tucker at guard Malik Monk.

Maging ang iba pang nasa Lakers traveling party ay pumasok din sa virus protocol gaya ni assistant coach Phil Handy at TV play-by-play announcer Bill Macdonald. Wala rin sa laro si assistant coach David Fizdale (non-COVID related).

Dadayo ang Lakers sa ­Minnesota sa Biyernes, habang ang Mavericks ay sisimulan sa Linggo ang home-and-home games kontra Minnesota Timberwolves.

DAILY COVID
TESTING IBABALIK

NAG-UUSAP ang NBA at National Basketball Players Association upang palakasin pa ang kanilang health and safety protocols bilang tugon sa pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng virus sa loob ng liga, ayon sa source na nakakaalam sa naganap na negosasyon.

Pina-finalize ng liga at ng union ang pagbabalik sa daily testing ng players at coaches (sa maikling panahon lang naman), ayon sa source.

Ang mga fully vaccinated ­players ay hindi na umano kailangan ng daily testing ngayong season.

Inihahanda na rin ng liga at ng union na simulan ang daily testing sa Biyernes para sa mga wala pang booster shots.

Ayon sa NBA, umabot na sa 97 percent ang ­vaccinated players at nasa 60% na ang tumanggap ng booster.

Sa kabila nito, 33 ­players ang nasa league’s health and safety protocols (as of Wednesday), kasama ang dalawang head coach na sina Indiana’s Rick Carlisle at Sacramento interim coach Alvin Gentry at ilang staff.

Kabilang sa malalaking pangalang hindi nakalalaro ngayon sina Milwaukee’s ­Giannis Antetokounmpo at Brooklyn’s James Harden.

Ipinagpaliban din ng liga ang dalawang laro ng Chicago Bulls makaraang 10 manlalaro nito ang mapasama sa protocol list.

“I’ve got a feeling we may go back to some of the stuff we did last year, which was clearly no fun,” pahayag ni Philadelphia coach Doc ­Rivers nitong Miyerkoles. “But we got through the season, so I guess that’s the sacrifice.

If that’s what we have to do, we have to do it.”

Isa pang malaking pagbabagong gagawin ay lilimitahan ng Toronto Raptors sa 50% ang crowd capacity sa mga laro.

Nag-atas na rin ang mga opisyal sa Ontario, Canada para bawasan ang attendance sa games’ venue, kung saan tiyak na makaaapekto sa Raptors, NHL’s Toronto Maple Leafs at iba pa.

Sisimulan na rin ng Raptors ang “Operation Mask Up (or out)” sa Sabado, kung saan titiyaking “all attendees to strictly adhere to all mask-wearing protocols or risk ejection from the building.”

4

Related posts

Leave a Comment