LARONG PINOY BUBUHAYIN

LARONG PINOY

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG maibalik sa mga kabataan ang pagkakaisa, samahan at maging aktibo sa pisikal na aspeto, ibabalik na ng Kongreso ang mga tradisyunal na laro ng mga Filipino.

Walang tumutol nang aprubahan sa House committee on youth and sports development na pinamumunuan ni Valenzuela City Rep. Eric Martinez ang Philippine Indigenous Games Preservation Act”.

“Part of our rich cultural heritage are indigenous games such as sungka, tumbang preso, piko, sepak takraw and the like,” ayon sa pinagtibay na panukala sa nasabing komite.

Base sa nasabing panukala, inaatasan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) para maibalik ang mga nabanggit na laro o sports.

Ang mga nabanggit na laro ang nilalaro noon ng mga Filipino subalit unti-unting naglaho ang mga ito matapos mauso ang computer na pinalala pa ng paglago ng social media.

Dahil dito, nawala ang pisikal na aktibidad ng mga kabataan, maging ang samahan, pagkakaisa at iba pa, bagay na ikinabahala ng mga mambabatas kaya’t nagpasya silang ibalik ang mga ito sa pamamagitan ng isang panukalang batas.

Nais ng kongreso na isama ang mga nabanggit na laro sa curriculum ng basic education mula elementarya hanggang high school upang mabawasan kundi man tuluyang maalis ang atensyon ng mga kabataan sa pagkahumaling sa social media, computers at mga makabagong gadgets kung saan wala silang pisikal na aktibidad.

Kapag naging batas, magsasagawa din ang Philippine Sports Commission (PSC) kasama ang Philippine Olympic Committee (POC) at mga local local government units (LGUs) ng annual at regional sports competition para sa mga nabanggit na laro.

437

Related posts

Leave a Comment