LEBRON IBINAON NG DATING TEAM

BALIK-AKSYON si Donovan Mitchell matapos ma-injure, umiskor ng 33 points at inakay ang Cleveland Cavaliers sa 114-100 win kontra Lakers, Linggo (Lunes sa Manila) sa Los Angeles, California

Nag-ambag si Darius Garland ng 24 points nang kumawala ang Cavs sa second half laban sa tila walang ganang Lakers, na nakakuha lang ng dalawang puntos kay Anthony Davis pagkatapos ng interval.

Nagdagdag si Jarrett Allen ng 16 markers sa Cavaliers tungo sa ikawalong sunod na panalo. Tangan ng Cavs ang 8-1 baraha at sumesegunda sa 9-0 Milwaukee Bucks sa Eastern ­Conference.

Ang winning streak ng Cleveland ay pinakamahaba na buhat sa 13-game streak noong 2007, final season ni James sa team.

Sa kabilang panig, ang nangangapang Lakers ay laglag sa 2-7.

Nagawang umabante hanggang 12 sa first half at anim sa break, ngunit hindi nasustenahan ng Lakers ang kalamangan at na-outscore pa sa second half, 56-36.

Nagtala si James ng 27 points, habang si Davis, 19 points at 12 rebounds. May 19 puntos din si Russell Westbrook at 10 assists, pero may seven turnovers.

Si three-time All-Star guard Mitchell, lumipat sa Cavaliers mula sa Utah Jazz noong ­Setyembre, ay nakapagtala ng 30 or more points sa six out of eight games ng team. Aminado siyang asam ng koponan makabalik sa playoffs simula noong 2017-18, nang naglalaro pa rito si James.

BULLS TINUMBA
NG RAPTORS

NAGTULONG sina Fred VanVleet at Scottie Barnes ng Toronto Raptors tungo sa 113-104 win kontra Chicago Bulls.

Kababalik lang ni VanVleet mula sa injury ngunit umiskor agad ng season-high 30 points at 11 assists, habang si Barnes ay nagdagdag ng 19 points, 10 rebounds at nagawang mapagtakpan ang pagkawala ni leading scorer Pascal Siakam.

Nagsumite rin si O.G. ­Anunoby ng 22 points, 12 ­markers mula kay Gary Trent, Jr., at si Christian Koloko ay may career-high 11 points at six blocks.

Inihayag ng Raptors ­management na dalawang linggong mawawala si Siakam sanhi ng strained right adductor muscle.

Na-injure ang player nang madulas at tumumba sa third quarter ng laro kontra Dallas noong Biyernes.

Lumiban naman ng tatlong laro bunga ng sore lower back si VanVleet, kumamada ng lima sa 10 3-pointers ng Toronto kontra Bulls.

Nagtala si Nikola Vucevic ng 18 points at 12 rebounds, si Alex Caruso may career-high 11 rebounds at 11 assists, habang si DeMar DeRozan ay may 20 points sa ikalawang sunod na talo ng Bulls.

Si Chicago guard Goran Dragic may 16 points, habang 15 markers mula kay Ayo Dosunmo at 13 kay Patrick Williams. Hindi pa rin nakalaro si Bulls star Zach Lavine, sumailalim sa left knee surgery sa offseason.

WIZARDS
WINASIWAS
NG GRIZZLIES

UMISKOR si Desmond Bane ng 28 points, nagdagdag si Ja Morant ng 23 points, nine rebounds at six assists tungo sa 103-97 win ng Memphis Grizzlies kontra ­Washington Wizards sa Tennessee.

Makaraang makahabol ang Washington sa third quarter, nagpalitan ng lead ang dalawang team hanggang sa unang bahagi ng fourth. Umatake ang Memphis, 9-0 run, nakaanim na puntos si Morant at inangkin na ng Grizzlies ang ikatlong sunod na panalo.

Absent ang leading scorer ng Wizards na si Bradley Beal, nasa ilalim ng league’s health and ­safety protocol. Siya ay may average 21.6 points at 5.7 assists.

Nanguna sa Wizards si Monte Morris, 18 points, habang si Rui Hachimura ay may 15 points at nanguna sa rali ng Washington sa third quarter. May tig-12 puntos naman sina Kyle Kuzma at Will Barton.

Kagagaling lang ng Wizards buhat sa 42-point loss sa kamay ng Brooklyn Nets noong Biyernes, habang tinambakan ng 31 puntos ng Memphis ang Charlotte.

Samantala, hindi pa rin masabi ng Los Angeles Clippers kung kailan makababalik si Kawhi Leonard.

Sa ikapitong sunod na game, absent pa rin si Leonard sa Clippers, lumasap ng 102-110 loss sa kamay ng Utah Jazz.

Nakalaro si Leonard ng dalawang beses ngayong season at nag-average ng 21 minutes off the bench. Mayroon siyang 11 points at six rebounds nang matalo ang team sa Phoenix Suns noong Oktubre 23.

Hindi nakalaro si Leonard sa nakaraang season sanhi ng ACL injury at ngayon ay nakakaramdam pa rin ng ‘stiffness’ sa tuhod, ayon kay Clippers coach Ty Lue. (VT ROMANO)

47

Related posts

Leave a Comment