MAGNOLIA, GINEBRA DIDIKIT SA MERALCO

MAGNOLIA-GINEBRA

(Ni JJ TORRES)

MGA LARO BUKAS:

(SMART ARANETA COLISEUM)

4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS COLUMBIAN

6:45 P.M. — GINEBRA VS MAGNOLIA

HINDI pa rin sigurado kung makalalaro na ang import na si Romeo Travis sa paghaharap bukas ng gabi ng Manila Clasico rivals Magnolia at Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Malalaman pa lang kung maaari nang sumalang si Travis sa alas-6:45 ng gabing laro ng Hotshots, matapos madale ng right ankle injury. Sa huling laro laban sa Blackwater Elite kung saan natalo ang Hotshots ay hindi nakalaro si Travis.

Importante para sa parehong koponan ang laban para makalapit sila sa Meralco Bolts sa karera para sa No. 4 spot sa team standings.

May record na 3-3 ang Magnolia habang ang Ginebra ay may kartadang 2-2. May hawak na 4-2 slate ang Meralco.

Samantala, sisimulan ni Mo Tautuaa ang kanyang stint sa San Miguel sa alas-4:30 ng hapon laban sa Columbian Dyip.

Si Tautuaa ay kinuha ng Beermen kapalit ni Fil-German Christian Standhardinger.

Target ng San Miguel na tablahan ang NLEX Road Warriors sa second spot at makabawi rin sa 129-124 talo nila last week sa Ginebra.

Samantala, nakuha ng TNT KaTropa si Mike DiGregorio mula Blackwater sa isang trade na inaprubahan agad ng liga.

Kapalit ni DiGregorio ay ang guard na si Brian Heruela, na babalik sa team na una niyang nilaruan sa liga.

141

Related posts

Leave a Comment