MANUEL, TRATTER PASOK SA GILAS

SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone.

Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.

Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay Japeth Aguilar na kasalukuyang nasa honeymoon pa.

Magsisimula ang first window ng qualifiers sa Pebrero 20 kung saan makakaharap ng Gilas ang Thailand, at Indonesia sa Pebrero 23.

Kabilang sa 24-man Gilas pool sina team captain Kiefer Ravena, at mainstays Roger Pogoy, CJ Perez at Troy Rosario. Makakasama rin nila ang mga dati at kasalukuyang collegiate standouts na sina Thirdy Ravena, Juan at Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi.

123

Related posts

Leave a Comment