MERALCO PLAYERS MASAYA KAHIT PINATALSIK NG SMB

BIGONG umabante sa PBA ­Philippine Cup Finals ngunit masaya pa rin ang ilang key ­players ng Meralco Bolts.

Isinama kasi sa 24-member ­Gilas Pilipinas pool ang tatlo sa kanila: Allein Maliksi, Raymond Almazan at Chris Newsome.

Dinaig ng San Miguel Beermen ang Bolts sa Game 7 ng kanilang semis series, 100-89, noong ­Miyerkoles.

“Everytime naman na may invitation ka sa national team, it’s an honor to be a part of it,” ani ­Maliksi.

“Masaya ako tungkol doon. Same feeling nung una akong tinawag sa Gilas kasi iba yung nagse-serve ka sa country mo,” dagdag ni Almazan.

Sina Maliksi at Almazan ay ­naging bahagi na ng Gilas, habang si Newsome ay nasa 5-on-5 pool sa unang pagkakataon matapos ­maging bahagi ng national 3×3 men’s team na nanalo ng ginto sa 30th Southeast Asian Games.

“Nasasabik akong sa wakas ay maisuot ang jersey na iyon para sa 5 on 5. Sana, magawa ko ‘yong final roster, ‘yong final pool,” sabi naman ni Newsome.

Puspusan na ang training ng Gilas sa Meralco gym dahil sa Agosto 25 na ang laban nila kontra Lebanon sa Beirut, at kontra Saudi Arabia sa 29 sa MOA Arena.

GILAS COACH SUMUKO

NAGBITIW ang isa sa coaches ng Gilas Pilipinas na si Serbian-New Zealander Nenad Vucinic.

Una nang kumalas ang dating Gilas program director at kaibigan ni Vucinic na si Tab Baldwin, na nag-concentrate bilang head coach ng Ateneo.

Nakita si Vucinic sa Smart ­Araneta Coliseum sa Game 7 ng semifinal series sa pagitan ng San Miguel at Meralco, kung saan ­consultant siya ng Bolts.

Ayon sa sources, maaaring tanggapin ng Serbian ang head coaching job sa San Beda.

Dagdag ng source, sinubukan ni Vucenic tumulong sa ­Gilas ­ngunit hindi kailanman siya ­pinakinggan, dahilan kaya’t ­nag-­resign na lang siya.

Natira sa national squad ­coaching staff sina head coach Chot Reyes, Tim Cone, Jong ­Uichico at anak ni Reyes na si Josh. (ANN ENCARNACION)

84

Related posts

Leave a Comment