MITCHELL NAG-ALA KOBE

UMISKOR si Cleveland’s ­Donovan Mitchell ng impresibong 71 points at pinantayan ang “eighth-most ever in an NBA game,” nang talunin ng Cavaliers ang Chicago Bulls, 145-134 sa overtime Martes (Manila time).

Ang total points ni Mitchell ang “highest single-game points” sa liga simula nang kumamada ng 81 si Lakers great Kobe Bryant kontra Toronto noong 2006.

Hawak pa rin ni Wilt Chamberlain ang single-game scoring record na 100 nang talunin ng koponan niyang Philadelphia ang New York Knicks noong Marso 2, 1962.

Si Mitchell ay seventh player pa lamang na may 70 or more points in a game, at first Cavs player na may 60-point regular-season game — kasama ang 11 assists at eight rebounds.

“First and foremost, my teammates,” ani Mitchell sa post game on-court interview. “I know I scored 70 and all, but I wouldn’t be here without them. We wouldn’t be in this position without guys making crucial plays and that’s the honest truth.”

Lumamang ang Bulls ng hanggang 21 sa second quarter at 18 sa third, ngunit unti-unting nakabalik ang Cavs at sa tulong ni Mitchell ay nakapwersa ng overtime nang ma-rebound ang bola mula sa “intentionally missed free throw” niya at maipasok ang layup sa nalalabing tatlong segundo.

Nasayang naman ang 44 points ni DeMar DeRozan para sa Bulls.  (VT ROMANO)

58

Related posts

Leave a Comment