MITCHELL PINATAHIMIK NI CLARKSON

SA kanyang pagbabalik sa Utah, nagtala si Donovan Mitchell ng 46 points.

Ngunit nabalewala ito nang ­maghabol ang Jazz sa ­pangunguna ni Fil-Am Jordan Clarkson at naitakas ang 116-114 win kontra Cavaliers sa Salt Lake City.

Umiskor si Clarkson ng 32 points, kasama ang limang 3-pointers at bumato ng nine straight sa stretch tungo sa 13-0 run.

Tumulong si former Cavaliers Lauri Markkanen kay Clarkson nang kumana ng 25 points at 16 rebounds. Habang sina Malik Beasley, Mike Conley at Nicheil Alexander-Walker may tig-13 puntos sa ikalawang panalo ng Utah sa nine games.

Si Mitchell, nilaro ang kanyang unang five seasons sa Jazz at may six assists, five rebounds at three steals din ay tin-rade sa Cleveland noong Setyembre kasama si Markkanen.

Nagtala si Mitchell ng record sa Cleveland nang maglista ng 71 points noong Enero 2, most points ng isang NBA player sa 17 years, nang talunin ng Cavs ang Chicago sa overtime (145-134).

Nagsumite si Daruis Garland ng 21 points at six assists para sa Cleveland. Habang tig-12 points sina Evan Mobley at Caris LeVert.

Si Cavs center Jarrett Allen ay sumalang lamang ng seven minutes (sa first quarter) bago tuluyang nilisan ang laro sanhi ng karamdaman.

Samantala sa Los Angeles, California, nagtala ang Clippers ng 113-101 win kontra Dallas Mavericks; tinalo naman ng Phoenix Suns ang Golden State Warriors, 125-113; wagi ang Orlando Magic sa Portland Trail Blazers, 109-106; at panalo ang Toronto Raptors sa Charlotte Hornets, 133-120. (VT ROMANO)

22

Related posts

Leave a Comment