NBA STARS PAKITANG GILAS

NAGNINGNING ang mga NBA star sa EuroBasket nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Nagrehistro si Giannis ­Antetokounmpo ng 41 points sa 27 minuto para sa Greece, umiskor ng 36 puntos si Luka Doncic sa Slovenia, at si two-time reigning NBA MVP Nikola Jokic ay may 29 points sa Serbia. Sila ang tatlong world’s best ­players na umakay sa kani-kanilang ­koponan sa group-stage wins sa European championships.

May isa pang nalalabing group-stage game sa bawat team at kasunod nito ang trip sa Berlin na naghihintay sa Greece, Slovenia at Serbia sa paghablot ng spots sa 16-team knockout round na magsisimula sa Sabado.

Ang point total ni ­Anteto­kounmpo ang pinakamalaki sa EuroBasket game sapul nang umiskor si Dirk Nowitzki ng 43 para sa Germany noong 2001.

Narinig niya ang nasabing stat at tumango lamang ang ‘The Greek Freak.’

“I try not to rate my ­per­formance,” komento ni ­Antetokoun­mpo. “I just try to go out there and have fun as much as possible, try to focus as much as I can on what I can control, try to bring energy any way ­possible…

“But I’ll say this: I think this is one of the years where I feel very, very excited to go out there on the court and play with my teammates.”

Tinalo ng Greece ang Ukraine sa laro, 99-79 sa Group C, kung saan si Antetokoumnpo ay 13 for 18 sa floor, 15 for 18 sa foul line para sa 4-0 Greece.

Sa Cologne, Germany si Doncic ay nagtala ng 14 of 25 shots, bukod sa 10 rebounds para sa panalo ng Slovenia kontra Germany, 88-80.

Bumida naman si Denver Nuggets center Nikola Jokic, 29 points at 11 rebounds, para sa ­89-78 win ng Serbia laban sa ­Israel.

Sa iba pang resulta, tinambakan ng Estonia ang Great Britain, 94-62 sa Group C. Wagi rin ang Italy sa Croatia, 81-76. (VT ROMANO)

Related posts

Leave a Comment