NETS WASAK SA BUCKS

Ni VT ROMANO

WALANG nakaawat kay Giannis Antetokounmpo sa second half nang magpasabog ng 34 points tungo sa 110-99 win kontra Brooklyn Nets, sa Milwaukee Huwebes (sa Manila).

May kabuuang 43 puntos ang ‘Greek Freak’ bukod sa 14 rebounds at five assists.

Na-outscore ng Bucks ang Nets, 67-44 sa second half, at napatalsik si Brooklyn coach Steve Nash sa third.

Matapos ang 3-of-10 ­shooting sa first half, rumesbak si ­Antetokounmpo at naglista ng 13-of-15 sa final two quarters.

Follow-up ito sa mahusay niyang performance sa 125-105 win ng Bucks laban sa Houston ­Rockets noong Sabado, kung saan nagtala siya ng 44 puntos buhat sa 17-of-21 shooting.

Nagdagdag si Bucks’ Bobby Portis ng 20 points at 11 rebounds, habang si Jrue Holiday ay may 15 points.

Sa kampo ng Nets, umiskor si Kevin Durant ng 33, 27 kay Kyrie Irving at 12 kay Royce O’Neale.

Napatalsik si Nash sa unang pagkakataon bilang Nets coach at ikalawang beses lamang sa kanyang 18-season playing career.

Hawak ang manipis na 70-66 lead, apat at kalahating minuto ang nalalabi sa third period nang makipagtalo si Nash sa official nang tawagan ng offensive foul ang kanyang player sa pagdepensa

kay Antetokounmpo. Sumigaw si Nash matapos bigyan ng T, habang inaaway siya nina assistant coach Jacque Vaughn at forward O’Neale.

Pasok ang dalawang free throws ni George Hill habang na-eject si Nash, na sinamantala ng Bucks at nagsagawa ng 5-0 run. Ngunit gumanti ang Nets at kumamada si Irving at itinabla sa 83 ang iskor, 10:09 sa laro.

Sa loob ng halos tatlong minuto, walang umiskor sa magkabilang koponan, pero dalawang basket mula kay Antetokounmpo at 3-pointer ni Holiday ang nagbigay sa Bucks ng 10-point lead sa huling limang minuto.

MAGIC BUTATA
SA CAVS

MAY season-high 22 points si Evan Mobley, nagdagdag si Jarrett Allen ng 18 points at 16 rebounds, at tinalo ng Cavaliers ang Orlando Magic, 103-92, sa Cleveland, Ohio.

Nag-ambag din si Donovan Mitchell ng 14 points at eight assists para sa Cleveland, nakakatatlong sunod nang panalo matapos ang opening game loss sa Toronto.

Si All-Star center Allen ay naga-average ng 13.5 points at 11.5 boards at may tatlong double-doubles.

Nagpakitang-gilas din si top overall draft pick Paolo Banchero, 29 points, eight rebounds at four assists para sa Orlando at pinahaba sa lima ang kanyang 20-plus point streak sa games.

Si Cedi Osman ay may 14 points at seven rebounds off the bench.

Tanging ang Orlando (0-5) ang walang panalong team sa Eastern Conference.

Samantala, panalo ang Minnesota Timberwolves kontra San Antonio Spurs, 134-122; wagi rin ang New York Knicks sa Charlotte Hornets via OT, 134-131; nagtala naman ang Chicago Bulls ng 124-

109 win laban sa Indiana Pacers; angat din ang Atlanta Hawks, 118-113 versus Detroit Pistons.

RAPTORS PREXY
PINAGMULTA

MULTADO si Toronto Raptors president Masai Ujiri ng $35,000 matapos lapitan ang scorer’s table at magbitaw ng ‘di magandang salita sa game official.

Nangyari ang insidente sa laro ng Toronto kontra Miami Heat noong Sabado, kung saan natalo ang Raptors, 112-109.

Si Ujiri, ipinanganak sa England ng Nigerian parents, ay napasama sa Raptors bilang scouting director at noong 2008 naging assistant ­general ­manager. Naging Denver Nuggets’ ­general manager at ­executive vice president din noong 2010, makalipas ang tatlong taon ay bumalik sa Raptors bilang vice president at general manager bago naging team president noong 2016.

Nakuha niya sa trade si Kawhi Leonard noong 2018 at nabiyayaan ang Raptors ng una nitong NBA title noong 2019.

Kumakampanya ang Raptors sa ikasiyam na NBA playoffs sa loob ng 10 seasons, at ­kasalukuyang 2-2 ngayong season.

CELTICS PLAYER
SINUSPINDE

ONE-GAME suspension naman ang ipinataw ng NBA kay Boston Celtics forward Grant Williams bunga sa pagbangga at pagbigkas ng ‘inapproriate language’ sa official, sa kanilang laro kontra Chicago Bulls noong Lunes.

Hindi makalalaro si Williams sa Celtics versus Cleveland Cavaliers sa Biyernes at makababalik lamang sa bench sa Linggo kontra Washington Wizards sa Boston.

Sina Williams at Celtics interim coach Joe Mazzulla ay parehong ejected sa second half noong Lunes, kung saan natalo ang team sa Bulls, 120-102 sa United Center.

Dalawang mabilis na technical fouls ang itinawag kay Mazzulla sa third quarter nang kuwestyunin ang foul kay Jaylen Brown sa drive nito laban kay Bulls big man Nikola Vucevic.

Makaraan ito ay si Williams naman ang tinawagan ng foul kay Vucevic. Blocking foul ang ­ibinigay kay Williams, na ­nagtatalon ito at nagsimulang tumakbo pabalik-balik hanggang mabangga niya si referee Cherry Flores.

25

Related posts

Leave a Comment