NEW YEAR SCORING FRENZY

BAGONG Taon, bagong scoring frenzy ang nasaksihan ng NBA fans sa iba’t ibang koponan.

Kumana si Los Angeles ­Lakers star LeBron James ng 43 points sa 121-115 victory kontra Charlotte Hornets.

Nagdeliber si Philadelphia 76ers center Joel Embiid ng 42 points at 11 rebounds sa 120-111 win sa New Orleans Pelicans, na muling iniwan ng kanilang star player na si forward Zion ­Williamson dahil sa hamstring strain.

Sa Dallas, patuloy ang pagningning ng kanilang star player na si Luka Doncic na may 39 points, 12 rebounds at eight assists sa tagumpay ng Mavericks, 111-106 kontra Rockets sa Houston.

Samantala, may season-best 54 points si Klay Thompson sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Atlanta Hawks, 143-141.

Sa ibang resulta: mayroon na ngayong 12 straight wins ang Brooklyn Nets na dinaig, 139-103, ang San Antonio Spurs; habang tinuldukan ng Minnesota Timberwolves ang six-game skid sa 124-111 victory laban sa ­Western Conference leader Denver Nuggets. (VT ROMANO)

28

Related posts

Leave a Comment