NLEX’s JERICHO CRUZ SA GUAM’s 24-MAN POOL

Jericho Cruz

HINDI man sinuwerte na mapasama sa Gilas Pilipinas pool para sa Fiba Asia Cup qualifiers, pasok naman sa Guam’s 24-man team pool si NLEX guard Jericho Cruz.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng Road Warriors player sa magandang oportunidad na dumating sa kanya.

“One of my dreams talaga is to play for the Philippines, but luck isn’t on my side here,” wika niya.

Nagulat na lang siya nang makatanggap ng tawag na nagsasabing kasama siya sa 24-man national team ng Guam para sa Asia Cup qualifiers.

“Of course, it’s a blessing. Every player would want to play internationally,” pag-amin niya.

“I know it’s gonna be a great experience too, so I can carry it over when I play for NLEX,” dagdag ng 29-anyos na NLEX guard.

Si Cruz, na lumaki sa Saipan, ay bumalik  sa Pilipinas at naglaro sa collegiate basketball para sa Rizal Technological University at kinalaunan ay lumipat sa Adamson University.

Makakasama niya sa Guam national pool ang isa pang dating Adamson guard na si Will Stinnett, at University of the East guard Chris Conner.

Kabilang ang Guam sa grupo ng Australia, Hong Kong, at New Zealand sa qualifiers na magsisimula sa susunod na buwan. (EBG)

163

Related posts

Leave a Comment