NO. 3 JERSEY NI DAVIS, ON SALE NA SA STAPLES CENTER

davis44

OPISYAL na ngang jersey no. 3 ang gagamitin ni Anthony Davis sa koponan ng Los Angeles Lakers.

Katunayan, sa mismong tindahan ng mga merchandise ng Los Angeles team na Lakers at Clippers sa Staples Center sa Los Angeles, California, ay nabibili na ang nasabing jersey ni Davis na may numero tres. At may display rin ito sa nasabing tindahan.

Una rito, desidido na sana si LeBron James na ipagamit kay Davis ang kanyang No. 23 jersey, habang siya naman ay babalik sa numero 6, pero, mangyayari ito pagkatapos na ng 2020-21 season.

Ayon sa ulat, hindi nag-file si James ng official request para sa pagpapalit ng jersey number bago ang March 15 deadline. At ang Nike, na official outfitter ng liga, ay ayaw ding pumayag dahil sa ‘financial implications’ umano ng nasabing bagay.

Napag-alaman pa ng ESPN, na malaki ang magiging epekto sa Nike sakaling magpalit ng jersey si James, dahil nakapagpagawa na sila ng No. 23 jersey ni James na pambenta.

Kaya ipinagpaliban na lamang ni James ang desisyong magpalit, at binigyan din niya ng konsiderasyon ang mga fans na nakabili na ng kanyang no. 23.

Kaugnay nito, ang Lakers ang iniretiro na ang mga sumusunod na jersey numbers:  8, Kobe Bryant; 13, Wilt Chamberlain; 22, Elgin Baylor; 24, Kobe Bryant; 25, Gail Goodrich; 32, Magic Johnson; 33, Kareem Abdul-Jabbar; 34, Shaquille O’Neal; 42, James Worthy; 44, Jerry West; at 2, Jamaal Wilkes.

 

108

Related posts

Leave a Comment