‘NO FLY ZONE’  

(NI FROILAN MORALLOS)

IDINEKLARA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ‘No Fly Zone’  sa paligid ng Philippine Arena sa Bucaue, Bulacan at  New Clark City sa Pampanga simula sa November 30 hanggang December 11 .

Ito ay may kinalaman pa rin sa gaganaping 30th South East Asian Games sa bansa, bilang seguridad sa mga delegado na mamgmumula sa iba’t ibang rehiyon sa Southeast Asia.

Kaugnay nito ay nag-isyu na ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM ) kung saan ipinagbabawal ang lahat ng aircraft sa loob ng three nautical miles sa Bocaue at 40 nautical miles mula sa Philippine Arena mula alas-6 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

Sakop din ng NFZ ang mga unmanned Aircraft Vehicles (UAV) o iyong tinatawag na drones, ayon pa sa CAAP.

Nanuna nang ipinahayag ng Philippine National Police ang pagsisimula ng total gun ban simula ngayong araw sa apat na rehiyon sa Luzon kaugnay sa seguridad na inilalatag para sa pagdaraos ng 30th Southeast Asian Games.

Bahagi ng security blanket na inilatag ng PNP at maging ng Armed Forces of the Philippine ang pagpapairal  ng gun ban sa mga lugar na pagdarausan ng kada dalawang taon na biennial meet.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, iiral ang total gun ban partikular sa Region 4A o CALABARZON areas, National Capital Region (NCR)  Region 1 (La Union) at Region 3 (Central Luzon).

Nabatid na magtatalaga rin ang AFP-Joint Task Force NCR ng sapat na puwersa para ayudahan ang may 27, 440 pulis na idedeploy ng PNP para sa  SEA Games security kasama na rito ang mga escort sa mga convoy ng mga delegado ng iba’t ibang mga bansa na kasali sa SEA Games.

Ang pormal na opening ceremony ng 30th SEA Games ay gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30 habang ang  closing ceremony ay gaganapin sa December 11.

Kabuuang 1,083 police personnel ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang ipakakalat para tumulong sa pagbabantay at matiyak ang seguridad sa opening ceremony sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan.

121

Related posts

Leave a Comment