‘NO VAX’ PINANINDIGAN NI KYRIE

0

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

SINAGOT ni Kyrie Irving ang naunang pahayag ng Brooklyn Nets na hindi siya palalaruin hangga’t walang bakuna o habang epektibo ang New York City mandate.

Sa kanyang Instagram Live, Miyerkoles (Huwebes sa Manila), pinanindigan ni Irving na hindi siya maaaring diktahan ng sinuman sa dapat gawin o sabihin.

Kasabay nito, nilinaw ding hindi siya magreretiro nang dahil lang sa bakuna.

“You know, nobody’s gonna hijack my voice. Nobody’s gonna take the power away from me that I have for speaking on these things,” lahad ni Irving.

“And don’t believe that I’m retiring, don’t believe that, you know, I’m gonna give up this game for a vaccine mandate or staying unvaccinated.”

Dagdag niya, nirerespeto niya ang mga doktor, pati na ang Nets at ang NBA. Pinanghahawakan din niya ang pangako ng team na iaaccommodate siya ngayong season. At nakiusap na huwag gamitin ang kanyang opinion para sa ibang bagay.

“I’m am not an advocate for either side,” ani Irving. “I’m ­doing what’s best for me, I know the consequences here. You know? And if it means that I’m judged and demonized for that, that’s just what it is. That’s the role I play, but I never wanted to give up my passion, my love, my dream just over this mandate or was ­happening in our world — I didn’t expect that going into the season. Come on now. I love this game, like, love the game, but sometimes you really got to make choices that ultimately can affect that. And it’s unfortunate, but that’s where we (are) in 2021.”

PISTONS SINAMPOLAN
NG KNICKS

IPINAGPAG ng New York Knicks ang mabagal na simula ng first half at tinalo ang Detroit Pistons, 108-100, Miyerkoles (Huwebes sa Manila) para sa preseason game sa The Garden.

Balanseng atake ang agad ­ipinakita ng Knicks, apat sa limang starters ay nagsipag-iskor sa lima at kalahating minuto ng laro, sa pangunguna ni Taj Gibson na may six points at umabante ang New York, 14-12.

Ngunit, nanlamig ang Knicks at halos hindi nakaiskor sa loob ng tatlong minuto, bago bumato ng tres si Alec Burks. Nakuha ng Detroit ang 26-20 lead papunta sa second quarter.

Ang second unit ng Knicks ang umatake sa second. Matapos ang three-pointer ni Kevin Knox, sinimulan din niya ang fastbreak at mabilis na pasa kay Burks, nag-alley-oop naman kay Obi Toppin. Kumana si Knox ng isa pang tres sa huling minuto ng quarter.

Nakakuha ng ikalawang offensive foul si Julius Randle bago natapos ang quarter, bagama’t maganda ang opensiba niya. Angat ang Detroit ng four points bago mag-break, sa kabila ng first-half performances mula kina Gibson (10 points, seven rebounds), Derrick Rose (12 points, two assists) at Randle (8 points, five rebounds, two assists).

Umabot ang abante ng Pistons sa pito, pitong minuto sa third, nang magtala si Saben Lee ng 14 puntos.

Ipinagpatuloy naman nina Randle, Rose at Gibson ang opensa ng Knicks, kung saan humirit ng dalawang tres si Randle sa dulo ng quarter para sa kanyang 19th points sa laro.

Muling humirit si Randle ng three at nag-convert din si RJ Barrett ng isa pa at kinuha ng Knicks ang 78-77 lead, kung saan umiskor si Randle ng 16 puntos sa nasabing quarter at bahagyang lumayo ang Knicks, 82-77 papasok sa fourth.

Bagama’t nagpatuloy sa ­pag-­habol ang Pistons at naibaba sa tatlo ang abante, hindi naman nagpabaya sina Gibson at Randle upang ibalik sa walo ang kalamangan, limang minuto pa sa laro. Hanggang tuluyang iwanan ang Detroit.

Natapos ang laro na may 19 points si Randle, kasama ng 11 rebounds at five assists. May 21 points at nine rebounds naman si Gibson.

Habang may 12 points si Barrett, seven rebounds at six assists.

May isa pang preseason game ang Knicks laban sa Washington Wizards sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Pagkatapos, haharapin ng New York sa susunod na Huwebes (Manila time) ang Boston para sa kanilang unang regular season game.

CELTICS NAISAHAN
NG MAGIC

MINTIS ang mga shot ni Jeff Dowtin sa praktis niya sa gym.

Ngunit, may eksaktong mintis siya, na naging winning basket ng Orlando Magic laban sa Boston Celtics, Miyerkoles (Huwebes sa Manila) sa Florida.

Abante ng isa ang Boston, wala nang pitong segundo sa laro, giniya ni Dowtin ang Orlando. Pumasok sa painted area, nag-dribble sa kanan at huminto. Sa muling paggalaw, ibinato ang isang 16-foot-turnaround shot, 0.2 seconds na lang… swak!

Ang iskor: 103-102 at isinara ng Magic ang kanilang preseason games.

“It was surreal, man,” ani Dowtin. “I’m still drenched right now. They threw ice water on me and a bunch of water on me. It just goes to show the great group of guys we have, the family atmosphere we have. That is the type of locker room you want to be a part of. Wins or losses, that team, we’re always together.”

Inubos ni Dowtin ang last season nila sa Lakeland Magic, kung saan tinulungan ang organization sa NBA G League championship. Lumaro din siya sa Orlando sa Las Vegas Summer League at nanatili sa team sa kabuuan ng training camp.

“He has put in so much work,” lahad ni Magic head coach Jamahl Mosley. “He hadn’t played a lot of minutes. He played in a couple of early games in the preseason and your hat goes off to guys like that who continue to put the work in. He never changed the way he has worked.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment