NU MULING TUMIKLOP; LUHOD SA UST

(NI JOSEPH BONIFACIO)

MULING tumiklop ang National University Bulldogs at sa pagkakataong ito’y sa kamay ng University of Santo Tomas Tigers, 87-74, kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umiskor si Rhenz Abando ng seven points sa final 1:32 sa regulation period, bago nagsalaksak si Rhenz Abando ng dalawang triples sa overtime para tuldukan ang panalo ng UST.

Tumapos si Abando ng 21 points, six rebound at two assists, nang pangunahan ang UST sa pagbangon mula sa 68-63 deficit, 42.3 seconds sa fourth canto.

Ginamitan din ng Tigers ng matinding depensa ang Bulldogs, na naresulta sa dalawang krusyal na error na naging daan sa split charity ni Zach Huang para itabla ang iskor sa 68-all.

Bumawi si Enzo Joson ng go-ahead lay-up, 6.5 seconds ang nalalabi, pero naitabla ni Soulemane Chabi Yo ang iskor sa 70-all, 2.1 ticks na lang.

Sablay si Dave Ildefonso sa huling opensa ng NU, na nagdala sa laro sa overtime.

“Buti bumuhos pa rin yung mga bata especially sa last six seconds. While our opponents were celebrating, we’re able to convert and force it to overtime,” komento ni UST coach Aldin Ayo.

Agad na kumawala ang Tigers sa extension period, habang pilit sumasabay ng NU, kung saan fouled out si Ildefonse, 2:52 pa ang oras, at ang ikalawang tres ni Abando ay nagpalayo sa UST, 81-73.

“Sinwerte kami sa dulo,” dagdag ni Ayo. “We did not play our game sa first three and a half quarters pero buti nag-pick up kami sa last five minutes ng fourth quarter.”

Nanguna para sa Tigers si Chabi Yon a may 23 points, 20 rebounds at four assists, habang si Sherwin Concepcion ay may 13 points at six rebounds.

Umangat ang UST sa 3-1.

Nananatili namang nasa ilalim ang Bulldogs, sa ikatlong sunod na kabiguang ito. Nasayang din ang 16 points at six rebounds ni Ildefonso, gayundin ang 12 points at seven boards ni John Lloyd Clemente.

 

Ang iskor:

 

UST 87 — Chabi Yo 23, Abando 21, Concepcion 13, Nonoy 9, Subido 7, Paraiso 6, Huang 5, Cansino 3, Ando 0, Bataller 0, Cuajao 0.

NU 74 — D. Ildefonso 16, Clemente 11, Joson 10, S. Ildefonso 9, Gaye 6, Oczon 5, Galinato 3, Mangayao 2, Gallego 0, Mosqueda 0, Rangel 0.

Quarterscores: 21-16, 30-31, 47-52, 70-70, 87-74.

 

149

Related posts

Leave a Comment