NU PEP SQUAD BALIK SA TRONO

Nabawi ng National University Pep Squad ang titulo nang muling tanghaling kampeon sa UAAP Cheerdance Competition, Sabado sa MOA Arena.

Mula sa pagiging fourth place noong nakaraang taong season, kumulekta ang NU Pep Squad ng 711 points upang angkinin ang ikalimang korona sa huling anim na taon.

Swak sa panlasa ng mga hurado at fans ang performance ng NU Pepe Squad, dahilan para maibulsa ang titulo at ang P50,000 cash prize.

Pumangalawa naman ang Far Eastern University Cheering Squad na nakakuha ng 655.5 points at P30,000 cash prize.

Habang ang nakaraan taong winner na Adamson Univerity Pep Squad ay pumangatlo at nag-uwi ng P20,000 cash sa nalikom na 638.5 points.

Nasa likuran ng Adamson ang UST Salinggawi Dance Troupe (638), habang panlima ang University of the East (602.5), kasunod ang University of the Philippines (568.5), Ateneo (558) at La Salle (459.5). (VTRomano)

4

Related posts

Leave a Comment