OLYMPIAN BOXERS SWAK SA ASIAN CHAMPIONSHIPS

Ni ANN ENCARNACION

SASAGUPA sina Tokyo ­Olympian Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa Asian Elite Men and Women Championships sa ­Amman, Jordan sa Oktubre 30 ­hanggang Nobyembre 13.

Kabilang ang tatlong nabanggit sa 13-member Philippine Team na lalaban sa torneo, habang ang isa pang Olympian at bronze medalist na si Eumir Felix Marcial ay kasama sa listahan ngunit hindi pa tiyak makakalahok dahil kasalukuyang naghahanda sa posibleng panibagong pro-fight sa US.

Matatandaang nakapag-uwi ng silver medal mula Tokyo sina ­Petecio at Paalam, habang ­kinapos mag-podium finish si Magno.

Narito ang listahan ng ­national boxers na ­makikipagtagisan sa Amman: Mark Lester Durens (48kg); Rogen Ladon (51kg); Paalam (54kg); Ian Clark Bautista o Mario Fernandez (57kg); Paul Julyfer Bascon (60kg),l; James Palicte o Jere Samuel Dela Cruz (63.5kg); Marjon Piañar (69kg) at Eumir Felix Marcia (75kg) sa men’s team.

Sa women’s ay kabilang naman sina Althea Pores (48kg); Aira Villegas (50kg); Magno (52kg); Petecio (57kg); at Hergie Bacyadan (75kg).

Magiging basehan ang Asian Elite ng national boxers na isasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia at Asian Games sa Hangzhou, China sa susunod na taon.

Kamakailan lang ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC), magiging qualifying event ang Asiad para sa 2024 Paris Olympics.

7

Related posts

Leave a Comment