OLYMPICS GOLD MEDALLISTS HAHAMPAS SA PILIPINAS

KASAMA ang 2020+1 Tokyo Olympics volleyball champion France sa men at United States of America sa women’s sa mga mapapanood sa ­Volleyball Nations League ng Federation Internationale des Volleyball (FIVB) na gaganapin sa bansa.

Pilipinas ang isa sa mga bansang napili ng FIVB na maging host ng Week 2 ng Volleyball Nations League, pagma­malaki ni National Volley­ball ­Federation (PNVF) president Ramon “Tatz” Suzara.

Gaganapin sa Pasay City sa Hunyo 14-19 ang women’s competition, habang sa Quezon City sa Hunyo 21-26 ang men’s tournament.

Kabilang sa magtatagisan sa women’s ang mga bansang USA, Japan, Thailand, China, Russia, Belgium, Poland at Canada.

Habang maglalaban-laban ang Japan, France, Russia, Argentina, Slovenia, Italy, Germany, at Netherlands sa men’s.

At bagama’t hindi kasali ang national squad sa VNL, sisikapin ng PNVF na makalaro sila sa exhibition games kontra top-caliber teams sa mundo.

“The plan now is to have an exhibition match… our women’s national team against Japan and Russia… men’s national team ­(naman) will have an exhibition match against ­Argentina or Italy, and Japan also,” sabi ng PNVF chief.

“So, there’s a one day exhibition match for our national team, men and ­women, so that they will have a chance to play with these world-class teams dito sa Pilipinas,” paliwanag ni Suzara. (ANN ENCARNACION)

2

Related posts

Leave a Comment