OLYMPICS TARGET NG PHL DANCESPORT

MAKARAANG manalo ang bansa sa dancesport ng 10 sa 14 gold medals sa 30th Southeast Asian Games, pinupuntirya naman ngayon ng Dancesport Council of the Philippines (DCP) ang Olympics.

Dahil kasama na sa kalendaryo ng Olympics ang breakdance, kumpiyansa si Becky Garcia, DCP president, makapagpapadala ang bansa ng maraming atleta sa 2024 Paris Olympics.

“We have one foot inside the Olympics already,” aniya.

Inamin ni Garcia na ang dalawang gintong medalya na-missed out ng Pilipinas sa katatapos na SEA Games ay mula sa breakdancing.

Ngunit positibo siya na makakakuha ng mainstream popularity ang dancesport matapos ang 30th edition ng biennial meet.

“The talent is there, we have the program and dancing is very close to Filipinos because of their love of music,” giit ni Garcia.

Bukod sa arnis na nakakolekta ng kabuuang 14 na gold medals, ang dancesport na ginanap sa  Royce Hotel sa Clark, Pampanga ang isa pang naging minahan ng ginto ng bansa sa 2019 SEAG.

Nakasungkit ng tatlong golds ang pareha nina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla sa Tango, Viennese Waltz, at All Five Standard Dances events.

Naka-dalawang golds namam ang duo nina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen sa Waltz at Foxtrot, at silver sa Quickstep.

Naka-dalawang ginto rin ang tamabalang Wilbert Fajardo at Pearl Marie Cañeda sa Samba, Rumba at Chachacha events.

At humabol pa ng dalawang ginto ang magpartner na Michael Marquez at Stephanie Sabalo sa Paso Doble at All Five Latin Dances events.

Muling bumalik ang dancesport sa regional tournament matapos ang 12 taon, at umaasa ang  Filipino dancers na magiging regular na ito sa mga darating pang edisyon lalo’t malaki ang naging kontribusyon nito sa muling pagiging overall champion ng Pilipinas sa SEAG.

 

212

Related posts

Leave a Comment