P1M VALENTINES 10-BALL OPEN CHAMPIONSHIP

PACQUIAO-3

HINDI lang pamboksing at pang-basketball si Senador Manny Pacquiao kundi pang-billiards na rin siya.

Katunayan ay pangungunahan niya ang P1 Million Valentines 10-ball Open Championship na gaganapin sa Bacolod City, Negros Occidental simula Pebrero 3 hanggang 14.

Ang naturang torneo ay hatid ng Manny Pacquiao Promotions sa pamamahala nina tournament organizerMary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano.

Ipatutupad ang double knockout format sa torneo na lalahukan nina 2017 World Pool champion Carlo Biado, 2015 Manny Pacquiao (MP) 10-ball champion Jericho Bañares, former All Japan winner Lee Van Corteza, Johann Chua at Jeffrey Ignacio.

Nakataya sa singles event ang P150,000 champion’s purse habang maisusubi naman ng runner-up winner ang P75,000. Makatatanggap naman ng P30,000 ang third at fourth, tig-P15,000 sa fifth hanggang eighth, at P5,000 sa 9th hanggang 16th placers.

Sa doubles category, magkakamit ng P200,000 ang tatanghaling kampeon at P100,000 naman sa runner-up. May nakalaan naman na tig-P40,000 sa third hanggang fourth, P25,000 sa fifth hanggang eight, at tig-P15,000 sa 9th hanggang 16th placers.

Mayroong registration fee na P2,000 para sa singles event at P4,000 sa doubles category. (ANN ENCARNACION)

167

Related posts

Leave a Comment