PACERS TAOB SA NETS BIG 3

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

MULING nabuo ang Big 3 ng Brooklyn Nets, sa ngayon.

Hindi kinaya ng Indiana ­Pacers ang armas ng Nets, na nagawang habulin ang 19-point third-quarter deficit at agawin ang 129-121 win.

Nagbalik si Kyrie Irving sa ­lineup, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila), kung saan matapos ang laro ay hinubad ang jersey at ibinigay sa kanyang ama, bilang selebrasyon ng kanyang unang NBA game mula noong Hunyo 10.

Halatang kinalawang si Irving, matapos magmintis ng midrange jumper at scoreless first quarter.

Habang si Lance Stephenson, ikatlong laro niya sa Pacers matapos ang 10-day contract, ay nagpasabog ng 20 points sa period nang kunin ng Pacers ang 37-32 first quarter lead. Nagtala si Stephenson ng 30 points at five assists.

Subalit, nakuha ni Irving ang ‘rhythm’ sa second quarter, ­sinimulan ng pull-up jumper, kasunod nito ipinamalas ang kanyang handling at scoring skills, kasabay ng defensive rebound at deretso sa layup. Tumapos siyang may 22 points sa 9-of-17 shooting, may four rebounds, three assists at three steals.

Nanguna sa Nets si Kevin Durant, 39 points, eight rebounds at seven assists, habang si James Harden ay nagdagdag ng 18 points at six assists.

Bibihirang tanawin na magkakasama ang Big 3 ng Nets. Base sa YES Network, ang Nets ay may 202 total regular-season minutes at 132 minutes sa ­playoffs na present ang tatlong player. Nagtala ng 6-2 sa regular season at 5-1 sa playoffs sa nasabing mga laro.

Si Irving ay 35 games absent sa lineup ng Nets bunga ng ­pagiging unvaccinated.

Babalik ang Nets sa Brooklyn sa Biyernes para harapin ang defending champion Milwaukee Bucks, at muling liliban si Irving dahil nananatili ang mandate ng New York para sa mga unvaccinated.

Sa iba pang laro, matapos masuspinde ng isang game ay nagbalik si Kevin Porter Jr. upang isalba ang Houston Rockets ­laban sa Washington Wizards, 114-111, sa Capital One Arena.

Inilista naman ni Kelly ­Oubre Jr. ang career-high nine sa franchise-record 24 3-pointers ng Charlotte, nang lamutakin ng Hornets ang Detroit Pistons, 140-111, sa North Carolina.

Nagtala ang Toronto Raptors ng 117-111 win laban sa ­defending champion Milwaukee Bucks, at wagi rin ang Philadelphia 76ers kontra Orlando Magic, 116-106. Nalusutan ng San Antonio Spurs ang Boston Celtics, 99-97, habang umiskor ang Dallas Mavericks ng 99-82 win laban sa Golden State Warriors, at may 98-90 win ang Minnesota Timberwolves versus Oklahoma City Thunders.

132

Related posts

Leave a Comment