(VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)
SAAN nga ba patungo ang patutsadahan sa social media nina undefeated retired boxer Floyd Mayweather at newly-crowned WBA welterweight super champion Manny Pacquiao?
Sa Pacquiao-Mayweather rematch? #PacMay2?
Ikinasisiya ng mga fans ang sagutan ng dalawang boxing superstar sa social media, sa pag-aakalang posibleng magkahamunan ang dalawa ay mauwi sa rematch.
Unang nagpatutsada si Mayweather sa kanyang Instagram account sa pagsasabing: “For years, all you heard was that ‘Floyd is afraid of Manny Pacquiao’. But what’s funny is, when we finally fought, i won so easily that everyone had to eat their words!”
Idinagdag pa niya ang: “My take on all this bulls*** is that y’all are just upset that i broke rocky marciano’s record and hate the fact that a black, high school dropout outsmarted you all by beating all odds and retiring undefeated while maintaining all my faculties simply by making smart choices and even smarter investments.”
Muling nabuhay ang rematch issue sa dalawang boksingero nang manood si Mayweather sa laban ni Pacquiao kay Keith Thurman noong Sabado, kung saan tinalo ng Pambansang Kamao ang mas batang si Thurman via split decision.
Ayon kay Mayweather, ang legacy ni Pacquiao ay nakakabit umano sa kanyang pangalan.
Bagay na hindi sinang-ayunan ng 40-anyos na Fighting Senator, sa pagsasabing si Mayweather ang kumaladkad sa kanyang pangalan matapos ang panalo niya kay Thurman.
Rumesbak si Pacquiao sa kanyang Twitter account, at may hashtag pang #MayPac2: “You come to my fight and then use my name in a post but i’m the one that is trying to stay relevant?”
152