TINANGHAL si eight-division world champion Manny Pacquiao bilang pinakamatandang boksingerong tatanggap ng Fighter of the Year award mula sa World Boxing News (WBN).
Mabunga ang taong 2019 ng 41-anyos at current WBA welterweight super champion na si Pacquiao matapos nitong manalo laban kina Adrien Broner noong Enero at Kieth Thurman noong Hulyo ng nakaraang taon.
Tumanggap si Pacquiao ng mas maraming boto na 86.14% mula sa 19620, kumpara sa 29-anyos na si Canelo Alvarez na mayroon lamang 6% (1222). Habang nasa pangatlong puwesto si 26 years old Naoya Inoue, 3.5% (689 votes).
Ang mga dating winner ng nasabing award ay sina Gennadiy Golovkin, Vasyl Lomachenko at Tyson Fury.
Bukod sa WBN award, si Pacquiao ay kandidato rin bilang Fighter of the Decade sa Boxing Writers Association of America (BWAA) at nominado bilang Fighter of the Year para sa taong 2019. (VT ROMANO)
152