PACQUIAO SA US MAGPAPASKO

Kung walang magiging pagbabago sa training schedule, posibleng sa Amerika magdiwang ng Pasko at maging ng Bagong Taon si eight division world champion Manny Pacquiao.

Si Pacquiao ay lumipad patungong US noong Sabado, kasama ang misis na si Jinkee at ilang miyembro ng Team Pacquiao upang dumalo sa two-city tour press conference sa New York at Beverly Hills, para sa laban nila ni Adrien Broner sa Enero 19, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ayon kay head trainer Buboy Fernandez, agad sasalang sa training si Pacquiao pagbalik sa Pilipinas sa Miyerkules.

Matapos magdiwang ng kanyang 40th birthday sa Disyembre 17, aalis na si Pacquiao sa Disyembre 22 at ipagpapatuloy sa Estados Unidos ang paghahanda at ensayo hanggang Enero.

Huling sumabak si Pacquiao noong Hulyo, kung saan sinikwat ang WBA welterweight crown nang i-knockout si Lucas Matthysse ng Argentina sa Kuala Lumpur, Malaysia.

22

Related posts

Leave a Comment