LALONG iinit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor.
Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera.
“I am proud to partner with Paradigm Sports Management and am excited for the opportunities that Audie Attar and PSM have to offer,” pahayag ni Pacquiao. “One thing I want everyone to remember is to always think positively. Never think negatively; that is the beginning of your downfall. Everything is possible”.
Nagpahayag din ng excitement si Paradigm President at CEO Audie Attar sa pakikipag-partner kay Pacquiao.
“I’m honored to have the opportunity not only to maximize Manny’s boxing career but to help him continue to leave a legacy he is proud of through the lens of business and sport. My approach is to focus on each client and their goals always, and I look forward to fighting on his behalf,” wika nito.
Ang management company ni Attar ang responsable sa ginanap na pinakamalaking laban sa combat sports, ang sagupaan sa pagitan nina McGregor at undefeated boxing champion Floyd Mayweather.
“Welcome to the team Emmanuel.” Ito naman ang tweet ni McGregor matapos ang pagpirma ni Pacquiao sa Paradigm Sports Management.
Matapos ang 40-second win ni McGregor noong Enero kay Donald ‘Cowboy’ Cerrone sa kanyang pagbabalik sa octagon, kasama sa kanyang mga nabanggit na susunod na makalaban ang pangalan ng Philippine Fighting Senator.
At ngayong magkasama na sila sa iisang kompanya, mas tumaas ang posibilidad na magkasagupa silang dalawa. (VT ROMANO)
243