PANALO, 26th ANNIV NI COACH POP

NI VT ROMANO

TUMANGGAP si Gregg Popovich ng ‘perfect anniversary gift’ mula sa San Antonio Spurs.

Umiskor si Keldon Johnson ng 21 points, nagdagdag si Romero Langford ng 19 at ipinagdiwang ng Spurs ang 26th anniversary ng first game ni Popovich bilang coach via 115-111 win kontra ­Miami Heat.

“We won,” sambit ni Popovich. “That’s what I liked the most.”

Nagtala si Devin Vassell ng 18 points sa Spurs, habang ­nagdagdag si Zach Collins ng 16 at 13 kay Doug McDermott.

Nagsumite naman si Jimmy Butler ng 30 points sa Miami, nakakuha ng 23 kay Tyler Herro, 14 kay Caleb Martin at tig-12 kina Bam Adebayo at Kyle Lowry.

Sa iba pang resulta: Cleveland 110, Oklahoma City 102; Chicago 144, Dallas 115; Denver 115, Utah 110; Portland 124, ­Minnesota 118.

53

Related posts

Leave a Comment