PANGARAP NG PINOY JINS NAKASALALAY SA PTA

(NI ANN ENCARNACION)

NASA kamay ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kapalaran ng national jins na nangangarap mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Magkakaroon ng taunang general assembly ang PTA  bukas ng alas-9 ng umaga sa San Andres Coliseum sa Malate, Manila na dadaluhan ng tinatayang 400 regional heads , coordinators at instructors, at taekwondo officials mula sa AFP at PNP.

Pangungunahan nina PTA top officials, Grandmasters Sung Chon Hong, Monsour Del Rosario at 30th SEA Games deputy chef de mission Stephen Fernandez, ang general meeting kung saan pag-uusapan ang pagpili sa apat na

Pinoy jins na isasabak sa Olympic qualifying tournaments (OQT) sa Tokyo Summer Games.

Nakatakda ang OQT sa unang quarter ng taon, habang ang Summer Games ay magaganap Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ilan sa mga inaasahang pagpipilian para sa OQT ang mga taekwondo jins na sina Pauline Lopez, Samuel Morrison, Dave Cea at Kurt Barbosa, na pawang nanalo ng gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

 

161

Related posts

Leave a Comment