PARTY NG RAPTORS NAUDLOT; WARRIORS HUMIRIT

raptors12

NAUDLOT ang selebrasyon ng Toronto Raptors nang sumablay ang 3-pointer ni Kyle Lowry sa pagtunog ng buzzer at nagawang maitakas ng Golden State Warriors ang one-point win, 106-105 sa Game 5 ng NBA Finals, Martes (Manila time) na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto.

Ang Raptors ay angat pa rin sa serye, 3-2 at babalik sa Oracle Arena sa Oakland, California ang Finals para sa Game 6.

Iniwan ni Kevin Durant ang laro matapos umiskor ng 11 puntos nang muling manakit ang dati nang (calf) injury nito.

Kaya’t muling naiwan sa ‘Splash Brothers’ na sina Stephen Curry at Klay Thompson ang responsibilidad ng Warriors. Si Curry ay umiskor ng 31 points, habang may 26 naman si Thompson.

Angat ang Raptors ng anim, 106-103 buhat sa magkasunod na basket ni Kawhi Leonard. Dahilan para mag-celebrate na ang mga fans sa loob at labas ng arena.

Nang sa ilalim ng tatlo at kalahating minute ay lamunin ng Warriors ang nasabing kalamangan, nang tatlong magkakasunod na tres ang ibato nina Curry at Thompson.

Si Leonard, nag-ambag ng 26 points para sa Raptors, ay hindi nakahirit ng final shot, nang mapilitang ipasa ang bola dahil sa mahigpit na depensa sa kanya.

Nakontrol ng Warriors sa loob ng tatlong quarter si Leonard, bago ito pumutok ng sampung sunod na basket sa fourth at halos abot-kamay na ng Raptors ang kampeonato, nang magkasunud-sunod ang sablay nito, habang nakahabol naman ang Warriors.

 

 

79

Related posts

Leave a Comment