PBA 3×3 Lakas ng Tatlo Leg 3 GRAY, LATEST CASUALTY

SI Fil-Am Jeremiah Gray ng TNT Tropang Giga ang pinakabagong nadagdag sa listahan ng injured players sa kakasimula pa lang na PBA na 3×3 na ginaganap sa Ynares Sports Center, Pasig City.

Na-twist ang tuhod ni Gray sa kanyang pagbagsak sa game kontra Limitless Appmasters noong Sabado.
Matapos matingnan ni team physical therapist Dexter Aseron ay agad dinala ang 6-foot-5 TNT 3×3 player sa ospital para sa MRI test.

Sinikap ng teammates ni Gray na sina Almond Vosotros at Samboy De Leon na bitbitin ang Tropang Giga ngunit nabigo sila laban sa Appmasters, 22-16.

Si TNT big man Lervin Flores ay hindi nakalaro ­dahil sa suspension sa kanya ng liga at team management bunsod ng unsportsmanlike foul kay Tonino Gonzaga ng Meralco sa second leg.

Ngunit nakapaglaro na si Flores (kapalit ni Gray) para sa leg 1 champion kontra Barangay Ginebra kahapon (Linggo).

Matatandaan na na-injure rin sina Val Acuña ng Purefoods Titans, at Roider Cabrera ng Terrafirma Dyip sa Lakas ng Tatlo.

Nabasag ang panga ni Acuña sa mas pisikal na PBA 3×3 at na-rule out nang makabalik sa torneo.

Habang nagkolaps sa loob ng dugout si Cabrera at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin sa ospital.

218

Related posts

Leave a Comment