PBA Commissioner’s Cup Final 4 UMAATIKABONG SAGUPAAN

Ni ANN ENCARNACION

INAASAHANG blockbuster ang PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals na magsisimula bukas (Miyerkoles) sa PhilSports Arena.

Unang maghaharap sa alas-3 ng hapon ang San Miguel at Bay Area, at main game sa alas 5:45 n.h. ang Barangay Ginebra at Magnolia.

Muling masasaksihan ng PBA fans ang ‘Manila Clasico’ sa pagitan ng magkaribal na sister teams Gin Kings at Hotshots.

Habang hindi rin padadaig sa No. 1 at guest team Dragons ang naghahangad mag-Grandslam na Beermen.

Tuluyang dinispatsa ng SMB ang Converge sa 120-107 win, at winalis ng Ginebra ang NorthPort, 99-93, sa quarterfinals noong Sabado.

Samantala, dahil sa twice-to-beat advantage ng Bay Area at Magnolia, agaran nilang napatalsik ang No. 8 Rain or Shine at No. 7 Phoenix (ayon sa pagkakasunod).

46

Related posts

Leave a Comment