Ni ANN ENCARNACION
UNAHANG makakuha ng ikalawang panalo ang Barangay Ginebra at guest squad Bay Area sa pagbabalik-aksyon ng PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena ngayon (Miyerkoles).
Bago mag-New Year break ay naitabla ng Dragons sa 1-1 ang best-of-seven finals kontra Gin Kings, kaya inaasahang umaatikabong bakbakan ang magaganap ngayong 5:45 ng hapon sa pagitan ng dalawang koponan.
Inaasahang sasandigan pa rin ng Ginebra ang kanilang resident import na si Justin Brownlee, na bantay-sarado ni Zhu Songwei ng Dragons.
Masaya naman si Kings’ Scottie Thompson na nakapagpahinga ng ilang araw bago ang Game 3 ng ikinokonsidera niyang “pinakamahirap na serye” sa Commissioner’s Cup finals.
Matatandaang Araw ng Pasko nagsimula ang league second conference finals series kung kailan nakuha ng Ginebra ang unang panalo. Ngunit agad nakabawi ang Bay Area sa Game 2 noong Disyembre 28.
